Bf, isiniwalat ang larawan ng kanyang nobya kasama di umano ang ibang lalaki sa socmed

Bf, isiniwalat ang larawan ng kanyang nobya kasama di umano ang ibang lalaki sa socmed

- Buong tapang na isiniwalat ng netizen na si Jaypee Rodriguez ang mga larawan ng kanyang nobya at ang lalaki nito

- Mahinahon na nag-post si Jaypee sa kung paano siya halos 12 oras na nagtatrabaho para sa nobyang pinangalanan na si Eunice Alicbusan at sa anak nilang si Avery

- Nagngitngit din sa galit ang mga netizen na nakabasa ng post ni Jaypee lalo na nang malaman nilang may anak pala ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang post ng netizen na si Jaypee Rodriguez ang kontrobersyal na mga larawan ng kanyang nobya at lalaki nito.

Nalaman ng KAMI na bagaman di nakumpirma kung sila ay kasal, 6 na taon nang nagsasama at mayroon na rin silang anak.

Di raw talaga inaasahan ni Jaypee na hahantong sa ganito ang kanilang relasyon lalo pa at umaabot daw ng 12 oras ang kanyang pagtatrabaho para lamang masiguro na may pantustos siya sa kanyang mag-ina.

Wala nga raw gaanong nabibili para sa kanya si Jaypee dahil sa mas iniisip niya lagi ang kanyang pamilya.

Isiniwalat ni Jaypee na nadaan daw sa palibre libre ng pagkain na medyo mahal na mga pagkain si Eunice. katrabaho raw niya ang lalaki at nadaan daw ito sa pera.

Sa post ni Jaypee, nagpasalamat na lamang siya kay Eunice sa kanilang pagsasama at nilinaw niyang wala siyang ginawang masama sa mag-ina. Iisa lang ang hiling ni Jaypee na sana raw ay di ipagdamot ni Eunice ang kanilang anak sa kanya.

Samantala, di maiwasan ng mga netizens na magkomento ng di maganda sa nagawa ni Eunice sa kanyang pamilya. Narito ang ila sa kanilang mga reaksyon:

"Sana inisip na lang nung babae yung anak nila"

"Masakit tong ginawa ng babae, malay natin kung sino talaga ang may kasalanan..."

"Babae lang yan, wag mo sirain ang buhay mo, marami pang iba jan..."

"Nakakapanghina ka ate, sana lang talaga mahal ka niya talaga"

"Grabe, napakain lang ng masarap lumandi na..."

"Grabe ka ate, di mo na inisip babae pa naman ang anak mo"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel