Swerte si girl! Nobya, proud sa bf na tinuring na tunay na anak ang panganay niya

Swerte si girl! Nobya, proud sa bf na tinuring na tunay na anak ang panganay niya

- Binahagi ng isang nobya kung paano sila inaalagaan ng 'padre de pamilya' nila na si Ronald Baldos

- Labis ang paghanga ni Rainashart Bongalonta sa kanyang nobyo dahil kahit di man siya ang ama ng panganay ni Rainashart, minahal at tinuring niya itong tunay na anak

- Mayroon na ring sariling anak ang dalawa kaya naman doble kayod si Ronald para sa nabuong pamilya at para na rin sa napipinto nilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayong napakahirap na raw mahanap ang 'forever', napakawerte mo na talaga kung mayroon taong handang panindigan ang inyong relasyon, ano man ang inyong sitwasyon.

Gaya na lamang ng kwento ni Rainashart Bongalonta na labis labis ang pagiging proud sa kanyang nobyo na tinanggap ang buong pagkatao niya.

Mayroong anak si Rainashart sa ibang lalaki ngunit inako na na parang tunay na anak ni Ronald Baldos, ang kanyang nobyo ang pagiging ama sa sanggol.

Nobya, proud sa bf na tinuring na parang tunay na anak ang panganay niya

source: supplied

Ngayong may sarili naring anak sina Rainashart at Ronald, dumoble kayod pa si Ronald at rumaket ng pagbebenta ng chicharon sa trabaho para may dagdag kita siya na pantustos sa pamilya.

Nagpaplano na rin kasing magpakasal ang dalawa kaya naman talagang pinagtatrabahuhan nila ang pagdating ng espesyal na araw na ito.

Nobya, proud sa bf na tinuring na parang tunay na anak ang panganay niya

source: supplied

Narito ang kabuuan ng salasay ni Rainashart na binahagi sa KAMI at talaga namang super proud siya sa soon-to-be mister niyang si Ronald.

"Im so proud of you po .. Kahit nahihirapan kana bitbit ang tinda mo, karga mo pa din ang anak natin. Kasi ayaw mo akong nahihirapan. Salamat talaga sa pag aalaga mo sa amin. Alam kong madami akong pagkukulang sa yo pero nandyan ka pa rin para sa min. Love ka namin..."

Actually po sobrang bait ng asawa ko, dalawa po ang anak namin. Yung pangay kong anak hindi po talaga sya ang tunay na ama. Bali baby pa lang ang panganay ko sya na nag alaga. Itinuring nyang tunay na anak ang anak ko. Meron na rin po syang anak sa akin isa. Nagtitinda po sya sa trabaho para my extra po kami. Sa hirap po kasi ng buhay ngayon yung sahod ay kulang pa para sa pamilya. Kaya kahit pagod na pagod po sya ginagawa nya yun para hindi kami kapusin.

Nobya, proud sa bf na tinuring na parang tunay na anak ang panganay niya

source: supplied

Ramdam ko po ang pagod nya araw araw. Kaya ko po gustong ishare ang ginagawa nya para na rin po makainspire sa iba. Kahit po pagod na sya pupunta pa sya ng divisoria para makabili ng paninda nya sa trabaho. Minsan kasama ako at ang dalawang bata. Sa picure po na yan karga nya ang bunso naming anak kasi umaambon. Kahit alam kong pagod sya di sya nagrereklamo basta para sa ikabubuti ng pamilya na. Ronald Baldos po ang name nya.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan

Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan

Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel