Joey Marquez, may isiniwalat na saloobin ukol sa relasyon ni Mark Herras at ng anak na si Wynwyn

Joey Marquez, may isiniwalat na saloobin ukol sa relasyon ni Mark Herras at ng anak na si Wynwyn

- Nagsalita na si Joey Marquez ukol sa issue na tutol siya kay Mark Herras para sa anak na si Wynwyn

- Sinabi ng aktor na kung siya ang tatanungin, ayaw niya munang mahiwalay sa kanya ang anak

- Nagbigay naman ng payo si Joey kay Wynwyn at sa boyfriend nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot na ni celebrity dad Joey Marquez ang alegasyon na tumututol diumano siya sa pakikipagrelasyon ng anak na si Wynwyn Marquez sa aktor na si Mark Herras.

Sa panayam ng PUSH sa 60-anyos na comedian, inamin nitong mas gusto niyang sa kanya muna ang beauty queen na anak hanggang sa umabot ito ng 32 years old.

Nalaman ng KAMI na “baby” pa rin daw ang turing ng beteranong aktor sa mga anak nito kaya mahirap kung mahihiwalay sila sa kanya.

“Eh baby pa rin ang tingin ko sa kanila, eh. Lahat naman ng ama ang tingin sa kanilang anak ay baby lalo na ang babae,” ayon kay Joey.

Gayunpaman, hindi naman daw totoo ang tsismis na tumututol siya sa relasyon ng anak at ng kapwa aktor na si Mark Herras.

“Wala naman akong ano sa kanya, ang iniisip ko lang, kailangan para makapasok ka sa ganung seryosong relasyon secure kayo pareho,” paglilinaw ng dating PBA player.

“Kasi hindi puwedeng puro pag-ibig lang yan. Ang pag-ibig kasi natutunaw yan pag wala ng pagkain sa lamesa. Ibang usapan na pag wala na kayong makain, iba na yon, eh,” paliwanag pa niya.

Hindi naman naiwasan ni Joey na mag-alala para kay Wynwyn lalo na’t hindi imposible na matulad sa kanya ang boyfriend ng anak.

Matatandaang noong unang dekada ng taong 2000, naibalita na may relasyon ang comedian sa sexy star na si Alicia Mayer. Ngunit hindi din ito nagtagal matapos sabihin ni Alicia na nakikipagkita pa din ang aktor sa dati nitong girlfriend.

“Alam naman niya na protective talaga akong ama. Alam naman niya na ginagawa ko lang yon to secure her future. At saka para makaiwas sa mga dating katulad ko,” pahayag ni Joey.

Naniniwala naman daw ang Palibhasa Lalaki star na lahat ng lalaki ay “chickboy” kaya natatakot siya para sa maaring gawin ni Mark.

“Wala namang lalaking hindi chickboy, eh. Lahat naman kami chickboy. Kaya lang, ang inaano ko lang, yung responsibility,” sabi ng 60-anyos na aktor.

“Kasi alam ko, nagawa ko kasi mali, eh. So, hindi ko naman pinangungunahan si Mark. Ang advice ko lang sa kanya, ‘Look at my past, I made the biggest mistake, I hope you’ll learn from it,’” dagdag pa niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, tinutulan naman ni Joey ang pagsali ng anak sa Miss World Philippines dahil gusto niyang mag focus ito sa pag-aaral.

Bukod sa pag aartista at pagiging basketball player, kilala si Joey bilang isang politiko. Naihalal siyang Municipal/City Mayor ng Parañaque noong 1995 hanggang 2004.

Ikinasal siya kay Alma Moreno at biniyayaan ng tatlong anak na si Yeoj, Wynwyn at Vitto. Labindalawang taon matapos ang kasal, naghiwalay si Alma at Joey.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel