Kris Aquino dadalo sa 'Crazy Rich Asians' premiere sa Hollywood suot-suot mga gawang Pinoy

Kris Aquino dadalo sa 'Crazy Rich Asians' premiere sa Hollywood suot-suot mga gawang Pinoy

- Wala na ngang makapagpapapigil pa ng Queen of All Media Kris Aquino sa pag-attend ng grandiosong Crazy Rich Asians premiere sa Hollywood

- Isiniwalat ni Kris ang magandang balita at excitement na marepresenta ang Pilipinas at maipakita ang angking galing ng mga Pinoy fashion designers

- Talaga naman pati tayo ay excited dahil na rin may isang Pinay na kasali na rarampa sa red carpet event ng pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na una naming naispatan sa PhilStar Global, inanunsyo nga ng Queen of all media Kris Aquino noong Biyernes ang paglipad niya kasama ang dalawang anak sina Josh at Bimb sa Losa Angeles, California para sa movie premiere ng Warner Bros. film na pinamagatang 'Crazy Rich Asians,' kung saan kasali ang aktres-endorser-TV host.

Ito ay nalaman ng KAMI pagkatapos ng balitang nagkaroon siya ng allergy attack sa Indonesia noong nakaraang Linggo.

Sinabi niya ito sa kanyang Instagram page, at sa caption pa ng kanyang post ay sinigurado niya sa kanyang mga kapatid na sasamahan naman siya ng kanyang dalawang anak na lalaki pati na rin ang mga "very caring and trust-worthy doctor," ayon na din sa nakasulat sa kanyang caption.

Confident din si Kris dahil sa maraming kaibigan na Fil-Am na sa medical field sa Los Angeles.

Ang gusto lang naman daw ni Kris ay marepresent ang ating bansa sa Hollywood at mashowcase ang mga Pinoy designs na gawa sa Pilipinas sa red carpet event ng pelikula.

Binahagi nga ni Kris Aquino ang mga snaps ng kanyang susuotin sa nasabing grandiosong event sa kanyang IG.

Gaganap si Kris Aquino bilang Princess Intan sa nasabing pelikula na una na namin binalita dito.

Ang anunsyo ni Kris na aatend na sa premiere night ng Crazy Rich Asians ay lumabas pagkatapos nga itong napauwi ng wala sa oras mula sa commercial shoot sa Indonesia dahil sa allergy attack na binalita din namin dito kamakailan lang.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel