Pasahero ng bus, naantig sa narinig na usapan ng mister at misis na masayang kumita ng ₱300 sa araw na iyon
- Di sinasadyang marinig ng isang pasahero ng bus ang usapan ng isang mister at kanyang misis na labis na umantig sa kanyang damdamin
- Kumita raw ang mister ng ₱300 nang araw na iyon at binili niya ng pasalubong ang kanyang mag-ina
- Nadurog ang puso ng netizen na si Ron Navarro dahil sa realisasyon sa sarili na magpasalamat tayo at maging kuntento sa mga biyayang natatamo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng isang facebook user na si Ron Navarro ang narinig niyang usapan ng kapwa niya pasahero ng bus sa kanyang misis.
Ayon sa kwento ni Ron, di na sinasadyang marinig ang usapan dahil sa katabi niya mismo ang lalaki.
Nalaman ng KAMI na tinawagan ng katabi niyang lalaki ang misis nito at tinatanong kung gising pa ang kanilang anak.
Ayon sa lalaki, kumita raw siya ng ₱300 nang araw na iyon. Masaya siyang ipinamili ang kanyang mag-ina para naman daw may mapuntahan ang kinita.
Kaya naman sabi nang mister ay hintayin siya ng mag-ina dahil sa mayroon siyang pasalubong. Kinuwento pa niya kung paano siya nakipagtawaran sa tindera ng jogging pants na ₱200 dapat ang halaga ngunit natawaran niya ito ng ₱160.
Bago pa matapos ang usapan, sinabi ng mister na sabay na silang kumain ng misis at bumili na ito ng yelo sabay sabi pa ng 'I love you Ma' bago tuluyang ibaba ang telepono.
Matapos marinig ang naging usapan, halos lumubog daw sa kinauupuan si Ron at tila sinampal siya ng realidad at katotohanan. Bigla raw na-appreciate ni Ron ang mga bagay na mayroon siya.
Siya raw kasi, pilit na pinagkakasya ang ₱500 sa isang araw at puro reklamo pa, samantalang itong katabi niyang pasahero, excited na makauwi dahil sa may kinita ito at may pasalubong pa sa kanyang mag-ina.
Bigla raw naisip ni Ron na marami siyang bagay na dapat ipagpasalamat sa araw-araw na dati ay di lang niya nabibigyang halaga.
Samantala, kumurot din ang kwento na ito sa mga puso ng ibang nakabasa ng post ni Ron. Karamihan sa kanila ay biglang naisip ang kanilang ama at mga sakripisyo nito sa kanila. Narito ang ilang sa kanilang mga komento:
" The desire of every people to give somethings unusual for loveones are sacrifices that creates a lifetime memory of happiness shared with their loveones.."
"Mas inuuna mo yun pangangailangan namin, kaysa sa pangangailangan mo. Lahat ng gusto ko, binibili mo. Thank you dyyyy!"
"Nature na siguro ng pagiging tatay tlga na unahin ang pamilya bgo ang sarili. likewise, naman sa pagiging ina, thank you din sa pag aalaga mo sa anak natin kahit nawala na yung mala jessy mendiola mo na katawan at balat basta lang lumaking malusog at malayo sa sakit ang anak natin. Sige na baka madaig na natin yung post dito, agaw eksena tayiz"
"we are really blessed."
"Bawal magreklamo"
"Minsan mapapaisip ka na lang na bakit imbis na ipambili mo ng kung anu ano e hindi naman kailangan, ibili na lang sa magagamit lagi"
"ano lagi ko banggit sayo mamaya mo n patulugin baby natin kc may dala ako pasalubong at ung para sayo na avocado n sa bahay mo n malalamann my dala ako ...at sasabihin ko n sge n mhie ..mamaya n lng idlip muna ako sa bus.."
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh