Dismayado! Bakit nag-pullout?! Posibleng core players na pwede daw sanang maglaro sa 2018 Asiad

Dismayado! Bakit nag-pullout?! Posibleng core players na pwede daw sanang maglaro sa 2018 Asiad

- Dahil sa pag pullout umano ng Pilipinas sa 2018 Asian Games na gaganapin sana sa Indonesia ay tila marami daw ang na dismaya

- Isa na raw rito ay si Robert Jaworski o kilala din bilang si Big J o Jawo sa larangan ng basketball

- Ayon pa sa balita, bakit naman daw nag pull out ang Pinas, kung worry umano nila ang pagpapadala ng diumano'y "token team" sa Asiad, mayroon naman daw posibleng ibang manlalaro na mapadala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na hatid ng Powcast Sports website, dahil sa desisyon ng Samahang Basketball ng Pilipinas o SBP na hindi na magpadala ng koponan ng Pilipinas para sa 2018 Asian Games o Asiad ay nakatanggap ng samu't saring mga komento sa mga dismayang fans.

At nalamang ng KAMI na isa raw rito ay si ang PBA legend na si Robert Jaworski na nadismaya umano sa desisyon ng SBP.

Ayon daw ng basketball legend, sa paniniwala niya ay marami umano pang mga basketball players sa bansa ang gustong magsakripisyo at maglaro para sa bansa.

Labindalawa na manlalaro naman lang daw ang kailangan ng Pilipinas para makapaglaro sa 2018 Asiad o Asian Games na gaganapin ngayong buwan sa Indonesia.

Hindi naman daw posible na mapadala ang kasalukuyang Gilas Pilipinas team dahil na din sa nangyari noong July 2, 2018 sa FIBA Cup Game.

Ngunit, marami naman daw mga posibleng maglaro bukod pa sa core players ng Rain or Shine Elasto Painters.

Ilan sa mga pangalan na binitawan na posible daw sanang maglaro para sa Pilipinas ay sina:

  1. Alex Cabagnot
  2. Chris Ross
  3. Marcio Lassiter
  4. Arwind Santos
  5. Christian Standhardinger
  6. June Mar Fajardo
  7. Kobe Paras
  8. Kai Sotto
  9. Thirdy Ravena
  10. Isaac Go
  11. Mike Nieto
  12. Matt Nieto

Ayon pa sa sports website, may kasabihan daw tayo na:

“Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan."

Pagtatapos pa ng sports website, ang San Miguel Beermen at ang Ateneo daw ay ang best teams sa kani-kanilang liga.

Sana daw ay nagpadala na lang ng ibang manlalaro ang SBP, huling saad ng sports site.

Unang binalita namin ang 16 na players na posibleng isabak sa 2018 Asiad, at ang pagwithdraw ng SBP sa koponan ng Pilipinas sa nasabing Asian Games sa Indonesia na mag-uumpisa ngayong August 18, 2018.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement

Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement

Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel