Totoo?! Pia Wurtzbach nagpahiwatig nga ba na hiwalay na sila ni Marlon Stockinger?

Totoo?! Pia Wurtzbach nagpahiwatig nga ba na hiwalay na sila ni Marlon Stockinger?

- Tila lalong lumalakas ang haka-haka ng mga fans at ibang netizens na hiwalay na umano ang 2015 Miss Universe title holder at ang race car driver

- Isang post raw ang shinare ni Pia Wurtzbach para sa kanyang milyon-milyong followers sa buong mundo ang nagpalakas sa mga bali-balita nga hiwalay na nga daw ang dalawa

- Nagreact naman agad-agad ang mga fans tungkol dito dahil mukhang galing na din kay Queen P ang diumano'y kumpirmasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nalaman namin dito sa KAMI na malakas nga ang balita ngayon sa pagkakalaboan umano ng dalawang gorgeous couple na sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger.

Ang mga tagahanga ng 2015 Miss Universe title holder ang siyang gumawa talaga ng ingay dahil sa napansin nila sa isang post ng beauty queen sa kanyang Instagram account.

Dalawang araw ang nakakaraan ay nagulantang ang kanyang mga supporters dahil sa isang post na naispatan din ng ABS-CBN News, kung saan din namin unang nakita ang kwento, na mukhang sinasabi ni Pia Wurtzbach na hiwalay na sila ng car racer boyfriend Marlon Stockinger.

Isang post kasi ng "confidently beautiful with a heart" beauty queen ang nagpapakita na naglalakad siya sa Los Angeles, California kung saan ito ay paid partnership ng Uniqlo Philippines Official.

Nakakabighani ang ganda ng Miss Universe title holder pero ang kanyang caption ang nagpagulat at nagpa-ingay muli sa online world.

Sa caption kasi, sinabi ni Pia Wurtzbach na:

"No boyfriend? No problem.(wink) Nothing beats a vintage look and it’s great how boyfriend jeans can make me feel like I’m walking on sunshine! Like this look? This pair is now called High Rise Straight Ankle Jeans, available in #UniqloPH."

Pinansin din ng mga fans ang pagkadelete ng pictures nila ni Marlon sa kanyang IG pero hindi naman dinelete ng huli ang kanilang snaps together.

"omg, pia wurtzbach deleted all the pictures she uploaded with marlon and captioned her latest ig post with “no boyfriend? no problem”
"So, @PiaWurtzbach indirectly confirmed her break up with @imstockinger via her latest IG post. Pia also deleted their pictures together but Marlon didn't. Can you guys get back to each other's arms? You look so good together and I think Marlon loves Pia so much. (emoji)"

Ayon pa sa mga chismis, ang dahilan daw nito ay dahil sa Korean star na si Choi Siwon, isa sa mga members ng Super Junior, na una na din naming binalita rito na inunfollow nila ang isa't isa sa IG.

Ilang buwan na din na nachismis ang dalawa na nagkahiwalay na na binalita din namin nito noon, pati biglang pagdelete ng kanilang couple pictures, at ang pag deny ni Marlon Stockinger sa mga haka-haka na hiwalay na sila.

Pero tila si Miss Universe 2015 na ang parang nagbigay ng kumpirmasyon sa kanilang estado ngayon.

May katotohanan kaya ito? Totoo kaya ito?

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Wais na sikat! 5 Celebs under 30 na nakapagpatayo o may sariling bahay na

Wais na sikat! 5 Celebs under 30 na nakapagpatayo o may sariling bahay na

Wais na sikat! 5 Celebs under 30 na nakapagpatayo o may sariling bahay na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel