Dating OFW, binahagi kung paano muling nakabangon matapos malimas ang lahat ng naipundar

Dating OFW, binahagi kung paano muling nakabangon matapos malimas ang lahat ng naipundar

- Binahagi ng isang dating OFW na si Maricel Tabag ang di niya malilimutang karanasan kung saan pinasok raw ng mga di kilalang kalalakihan ang kanilang bahay dahilan para lisanin nila ang lugar pati ang kanilang kabuhayan

- Naging traumatic ang pangyayari sa kanya ant kanyang pamilya ngunit di tumigil si Maricel sa paghahanap ng muling pagkakakitaan

- Nakabangon siya at kanyang pamilya at muling nakapagtayo ng bagong negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa murang edad na 17, naging OFW na si Maricel Tabag gamit ang mga inayos lamang na papel upang siya ay makaalis.

Kahit pa siya ay menor pa lamang, buong tapang siyang umalis at nagpunta sa Cyprus para lamang sa ikagagaan kahit paano ng buhay ng kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na makalipas ang ilang taon, nakapag-asawa na si Maricel at nagbalik na lamang sila sa Pilipinas upang makasama ang kanyang mga anak.

Dating OFW, binahagi kung paano muling nakabangon matapos malimas ang lahat ng naipundar

source: supplied

At dahil sa diskarte sa buhay, malaki-laki ang naipon ni Maricel at kanyang asawa kaya nakabili sila ng malaking palayan kung saan sila nakapagtanim at nakapagpatayo ng bahay.

Ngunit, isang di inaasahang pangyayari ang ang gumimbal sa kanilang pamilya. Pinasok ng mga armadong lalaki ang kanilang bahay. Bagaman at wala namang nasaktan, nandun pa rin ang pangamba na muling mangyari ito.

Dating OFW, binahagi kung paano muling nakabangon matapos malimas ang lahat ng naipundar

source: supplied

Dala ang matinding takot, napilitan sina Maricel at kanyang pamilya na lisanin ang kanilang bahay pati na rin ang lahat ng kanilang naipundar. nagdesisyon sila na lumipat na lamang sa probinsya ng Solona.

At dahil may naipon pa naman si Maricel, naisipan niyang magtayo ng sari-sari store, hudyat ng pagbangon muli nila mula sa di magandang pangyayari.

Dating OFW, binahagi kung paano muling nakabangon matapos malimas ang lahat ng naipundar

source: supplied

Di rito natigil ang paghahanp ni maricel ng iba pang oportunidad na mapagkakakitaan. Hanggang sa natagpuan niya ang OF-ReD. Ito ang tumulong sa kanya para makapagbukas ng sidecar/vulcanizing shop business. Mayroon na rin silang piggery at maliit na food stall na malapit sa kanilang bahay.

Kaya naman masasabing tuluyan na talagang nakabangon sina Maricel at kanyang pamilya mula sa masamang pangyayari na gumimbal at sumubok sa kanila.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Graduating student, inaming dating nakulong at lider ng gang

Graduating student, inaming dating nakulong at lider ng gang

Graduating student, inaming dating nakulong at lider ng gang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel