Former child actor CJ Ramos, arestado sa isang buy-bust operation

Former child actor CJ Ramos, arestado sa isang buy-bust operation

- Inamin ng dating child star na si CJ Ramos na gumagamit siya ng droga

- Nahuli siya sa isang buy-bust operation na isinagawa sa isang convenient store sa Tandang Sora, Quezon City

- Nahuli sa akto na bumibili ng pinagbabawal na gamot si CJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nahuli ng pulisya ang dating child star na si CJ Ramos sa isang buy-bust operation.

Sa isinagawang operasyon ay nangyari sa isang convenient store sa Tandang Sora, Quezon City, noong Martes ng gabi, July 31.

Huli sa akto na bumibili ng sh4bu si CJ.

Kasamang nahuli ang pusher na binilhan niya ng bawal na gamot..

Sa isang panayam ay inamin di umano nito na gumagamit siya ng droga.

"Mga three days ago [ako huling gumamit]. Ten years ago [ako nagsimulang mag-drvgs].

"Pero nag-stop ako, mga two... almost three years. Ngayon na lang ulit kasi na-miss ko, e."

Napatunayan ito nang mag positibo siya sa drvg test.

Ito din umano ang naging dahilan ng pagkasira ng kanyang showbiz career.

"Kailangan kong pagdusahan ito, kasi ginusto ko ito, e.

"Wala, e, addictive talaga, e, mahirap iwasan.

"Pero naiwasan naman. Natsambahan lang."

Ayon pa sa dating aktor, magbabagong buhay siya kapag nakalabas na siya.

"Planong magbagong buhay after this. Sana."

Napanood si CJ bilang isa sa mga bida ng youth oriented show na Ang TV sa Kapamilya network.

Si CJ ay naging bahagi ng dating youth-oriented show ng ABS-CBN na AngTV. Marami na rin ang kanyang pelikulang kinabilangan kagaya ng Tumbasan Mo Ng Buhay (1993), Ang TV The Movie: The Adarna Adventure (1996), at Tanging Yaman (2000).

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel