Artista na, rockstar pa! 5 local celebs na may sariling banda

Artista na, rockstar pa! 5 local celebs na may sariling banda

Talentado talaga ang mga celebrities na ito na di lang pala mga artista, mga rockstar din.

Lingid sa kaalaman ng iba na ang ilan sa mga artistang ito ay nagsimula bilang mga bokalista o gitarista ng kani-kanilang mga banda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang 5 sa mga hinahangaan nating artista na musikero din pala.

1. Mark Abaya

Lumabas na sa ilang mga teleserye si Mark Abaya na bokalista rin ng bandang Kjwan. Hinahangaan si Mark sa kanyang pag-arte dahil kayang kaya niyang gawin ng mahusay ang iba't ibang klaseng roles.

2. Arci Muñoz

Nagsimula si Arci sa reality show na Starstruck at ngayon, isa si Arci sa in-demand na leading lady mapa-pelikula man o telebisyon. Ngunit, hinahangaan din si Arci sa pagiging isang 'rock chic' dahil siya ang bokalista ng bandang Philia

3. Kean Cipriano

Bukod sa husay niya sa ag-arte, tinitilian din si Kean bilang frontman ng bandang Callalily. Kaya naman bukod sa kanyang regular stint sa 'I can see your voice' ay mayroon pa rin siyang gigs kasama ng kanyang banda.

4. Chynna Ortaleza

Isa sa mga batikang Kapuso actress si Chynna Ortaleza. Lingid sa kaalaman ng iba na musika ang siyang nagbuklod sa kanila ng kanyang asawa na si Kean Cipriano. Si Chynna ay bokalista din

5. Saab Magalona

Nananalaytay talaga sa dugo ni Saab Magalona ang pagiging artista at musikero na nakuha niya sa kanyang yumaong ama na si Francis Magalona. Kasama ni Saab sa bandang 'Cheats' ang asawa niyang si Jim Bacarro.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita

Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita

Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel