Video ng mga OFW na kumakanta gamit ang mga panlinis sa bahay, umabot na sa 5 milyon views

Video ng mga OFW na kumakanta gamit ang mga panlinis sa bahay, umabot na sa 5 milyon views

- Binahagi ng 2 OFW ang video nila habang nag-aalis ng pagod sa paglilinis nila sa bahay ng amo nila sa abroad

- Makikitang gamit ng mga Pinay OFW ang walis at vacuum cleaner bilang props sa kanilang nag-mistulang 'music video'

- Damang dama ng dalawang kababayan ang kanilang 'performance' kaya naman nagviral ang kanilang video na umabot na ng 5 milyong views

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa hirap na mawalay sa mga mahal nila sa buhay dagdag pa ang hirap na dinaranas nila sa pagtatrabaho, Kanya kanyang diskarte ang mga kababayan upang maibsan ang kanilang kalungkutan.

Gaya na lamang ng dalawang OFW na gumawa ng tila isang music video gamit pa ang kanilang mga panlinis bilang props.

Makikita sa video na ginwa ng isang Pinay na gitara ang hawak na walis habang ang isa naman at ginawang mikropono ang vacuum cleaner.

Nakasuot pa sila ng black bag na ginwa nilang apron at shower cap kaya naman alam natin na todo bihis sila panlinis.

"2 years na po Here in kuwait .. Proud to be Khadama✋

Salamat Kay God Di niya ako pinabayaan ..

Natapos ko din yung dalawang taong contrata..

Repost ko muna tung Video namin

Yung tipong mapapaluha ka sa mga mensahe ..

Sapat na po to para mabaon namin pauwi ..

D pa naman sa ngayun pero darating din yung araw na makakauwi ako kahit walang ipon .. hehe ..

Glory To God .." pahayag ng isa sa dalawang OFW na nasa video.

Samantala, bumuhos naman ng mga positibong reaksyon ang video na ito ng ating mga kababayan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mga kabayan tama yan ginagawa nu. Para mawla ang homesick sige gawa pa kau ng videos para maging viral kau at later baka marami ng mag subscribe sa inyo"

"ang galing naman go go lng mga sai habang wala ang amo"

"Ang galing nyo nman mnga ate.ganyan lang hwag mag patalo sa longkot godbless"

"nakakatuwa naman kyo mga ate"

"Ang galing kahit hirap sa trabaho nakuha pang.magsaya,saludo ako sa inyo,"

"Hahaha galing ha ganyan mag libang ang mga ofw hahaha dinadaan nalng sa pag kanta"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel