Lolo na kasa-kasama ang misis na naka-wheelchair saan man magpunta, umantig sa puso ng mga netizens

Lolo na kasa-kasama ang misis na naka-wheelchair saan man magpunta, umantig sa puso ng mga netizens

- Viral ngayon ang mga larawan na binahagi ng netizen na si Jerylle Pielago Bantuan kung saan nakunan niya ang mag-asawang may-edad na sa isang sikat na fast food chain

- Naisipan daw kunan ito ng larawan ni Jerylle dahil talaga namang nakaka-good vibes daw ito

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang mga larawan karamihan ay nakaantig sa puso ng mga netizens dahilan para maniwala sila na mayroon forever

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naging alintana sa isang lolo na isama ang kanyang misis saanman siya magpunta kahit pa ito ay naka-wheelchair na.

Nalaman ng KAMI na isang netizen na si Jerylle Pielago Bantuan ang nagbahagi ng mga larawan nina lolo at lola na kakain sa isang sikat na fast food chain.

Bukod sa effort ni lolo na itulak ang wheelchair ni lola, makikita pa ang malasakit at pagmamahal niya rito dahil may dala pa talaga siyang kumot para di lamigin ang misis. Di ito nalalayo sa kwento na unang binahagi ng KAMI kung saan handang gawin ng isang mister ang lahat para sa kanyang misis.

Ayon pa sa isang komento ng netizen, nakita rin daw niya ang mag-asawa sa ibang fast food naman. Umorder lamang daw ito ng isang meal at pinakain niya si lola.Labis din daw siyang naantig sa nakita at sana raw ay matulungan ang mag-asawa kung wala nang ibang nag-iintindi sa kanila.

May dala dala raw itong mga bawang at tila iyon ang hanapbuhay ng mag-asawa. Napansin din ng ilang netizen na tila wala na talagang tirahan ang mag-asawa dahil may nakakakita sa kanilang nagpapalipas na lamang ng magdamag sa labas ng iba't ibang fast food chain.

Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:

" Bili ntin ng mga foods nlng kht onting help"

"actually halos everyday sila nasa jolibee at mcdo dito sa pulilan. sinusubuan pa yan pag kumakain. tapos sinasamahan sa CR. nagtitinda sila ng bawang at sibuyas sa palengke."

"Waaaahhh!! Nakita ko na sila tapos may soup lagi inoorder"

"Sila po yung na feature sa showtime din before and tinulungan ni Jugs and Teddy. Thank you po for the post! Want to meet lola and lolo. True love do really exist and last forever no matter what"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel