Chynna Ortaleza masayang ibinahagi kung ano ginawa kay Kean Cipriano at tumigil pagiging babaero nito

Chynna Ortaleza masayang ibinahagi kung ano ginawa kay Kean Cipriano at tumigil pagiging babaero nito

- Sa isang episode ng Wowowin' naging beastmode ang mga Victor Magtanggol ladies sa mga babaero

- Ito'y naging katuwaan nilang mga babaeng hosts

- Di naiwasang maibahagi ni Chynna kung ano ang ginawa niya't natigil ang pagiging babero ng asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang mga Victor Magtanggol ladies ay sinamahan si Kuya Will sa Wowowin. Sila ay sina Chynna Ortaleza, Janine Gutierrez, at Andrea Torres.

Nalaman ng KAMI na di naiwasang talakayin ang tungkol sa pambababae ng mga lalaki dahil sa isang contestant.

Siyempre, sabi ni Kuya Will, minsan may mga dahilan daw kung bakit nambababae ang lalake. Minsan daw kasi may mga pagkukulang din ang mga babae.

Bagamat hindi siya sinupalpal ng mga lady hosts, nabaling naman ang atensiyon niya kay Chynna, ang asawa ng sikat na musikerong si Kean Cipriano.

Tinanong si Chynna ni Kuya Will kung nambababae ba si Kean dahil nga musikero ito.

Sabi naman ni Chynna, hindi, pero noon, oo daw. Pero sabi naman ni Chynna na nung pumasok ito sa buhay ni Kean, natakot na daw.

Bagamat hindi na dinetalye pa, siguro, natakot na si Kean na mambabae dahil kung hindi, baka iwan siya ni Chynna.

Pakinggan ang kwelang diskurso ng mga VM ladies at ni Kuya Will.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel