Swerte naman! Cristalle Belo, dinalaw si Gen. Bato sa bilibid para mamigay ng regalo sa mga preso

Swerte naman! Cristalle Belo, dinalaw si Gen. Bato sa bilibid para mamigay ng regalo sa mga preso

- Binisita ni Cristalle Belo Henares ang Bureau of Corrections sa Muntinlupa upang magbigay ng regalo sa mga inmates

- Sinalubong ang beautician ni General Bato Dela Rosa at General Valfrie Tabian

- Nakipagbiruan naman si Cristalle habang nagsasagawa ng product and scent testing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakipagkita ang beauty maven na si Cristalle Belo Henares kay Bureau of Corrections Director-General at dating Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa upang magbigay ng regalo sa mga inmates.

Nalaman ng KAMI na ang hatid na regalo ni Cristalle ay mga deodorants para daw ang lahat ng mga preso ay maging “Belo-beautiful.”

Sa kaniyang pagbisita, ipinakita ng beautician kay General Bato at sa kasama nitong si General Valfrie Tabian ang mga samples ng deodorant na ipamimigay sa mga nakakulong.

Ipinaamoy din ni Cristalle sa dating Davao City PNP Chief ang kaniyang mga dalang deodorants at inalam kung papasa ba ito sa kaniyang standards.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nagawa naman ni General Bato na biruin ang kaniyang bisita at magtanong tungkol sa iba pang beauty products.

“Libre ito lahat? Bigyan mo naman ako ng facial wash,” pagbibiro ng General.

Dati nang nagbigay si Cristalle ng sun protection products sa Highway Patrol Group ng PNP at ngayon ay mga inmates naman ang napili niyang bigyan ng regalo.

“(We are) promoting proper hygiene to the inmates. I think that part of the rehabilitation should include taking care of oneself,” ayon kay Cristalle.

“Thank you, Gen. Tabian and Gen. Bato for allowing us to touch the lives of inmates. I really hope they like the products,” dagdag pa niya.

Narito ang video:

Nagbigay naman ng mensahe si General Bato kay Cristalle pati na rin sa ina nito na Director ng Belo Medical Group.

“We’d like to thank Belo sa lahat ng ibinibigay ninyo sa amin. Malaking tulong po ito sa aming mga inmates at sa mga guwardiya,” pahayag ng General.

Sa kaniyang Instagram account, nagpaabot din ng pasasalamat si Vicky Belo dahil sa pag welcome ng BuCor Chief sa tulong na ibinigay nila ng anak na si Cristalle.

“Thank you so much, Gen. Bato Dela Rosa for allowing us to help the inmates the best way we can. You are so kind and welcoming and we admire how selflessly you serve this country,” sabi ni Dra. Vicky.

Sa nakaraang report ng KAMI, nagsilang ng isang baby boy si Cristalle sa asawa nitong si Justin Pitt. Pinangalanan nila ang sanggol bilang Hunter James.

Si Cristalle ay anak ng skin care doctor na si Vicky Belo sa businessman nitong asawa na si Atom Henares. Siya ay tumatayong Managing Director ng Intelligent Skin Care, Inc. na branch naman ng Belo Medical Group.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel