Ang kulit! Cute na usapan ng maglola habang nagkakape sa madaling-araw, umabot na ng 2 milyon views

Ang kulit! Cute na usapan ng maglola habang nagkakape sa madaling-araw, umabot na ng 2 milyon views

- Viral ngayon ang makulit at nakakatuwang usapan ng netizen na si Alvin Adriano at ng kanyang lola na tinatawag niyang lola

- Isang simpleng video lamang ito ng minsang umuwi raw si Adrian ng alas dos ng madaling araw at naabutan niya ang lola niya na magkakape

- Umabot na ang video ng mahigit 2 milyon views at marami ang naka-miss sa kanilang lola nang mapanood daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang makulit at nakaktuwang usapan ng isang netizen na si Adrian Adriano at lola niyang tinatawag niyang 'nonna'.

Gaya ng viral video na naunang binahagi ng KAMI, umabot na pala ng mahigit na 2 milyon ang views ng cute na cute at 'chill' lang na usapan ng maglola na unang bunahagi ni Alvin noong Hulyo 26.

Umuwi raw si Alvin ng bandang alas dos ng madaling araw nang maabutan niya ang kanyang lola na gustong magkape kaya naman sinamahan niya ito.

Ang nakakatuwa pa sa kanilang usapan, madalas nang nakakalimutan ni 'nonna' ang pangalan ni Alvin na tinatawag niyang 'John'. Halos makailang ulit na tanungin ni Alvin ang kanyang lola sa kung ano ang kanyang pangalan.

Nakaka-good vibes talaga ang kanilang usapan at kamuntik pang asin ang mailagay ni 86 na taon na si nonna sa kanyang kape imbis na asukal.

Kitang kita ang pagiging malapit ni Alvin sa kanyang lola at talagang nag-goodnight kiss pa ito rito bago nila tapusin ang video.

Di maiwasang matuwa at maging emosyonal ng mga netizens na nakapanood ng video at karamihan ay na-miss ang kanilang mga lolo at lola.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Shucks naiyak ako. Naalala ko sila lola"

" Miss ko na si Lola"

"Ganyan talaga mga lola..ang swerte nyo pg may lola kayong ganitong..ugali..masyadong sweet..patawa2 lng walang problema..sa madaling salita..kababaan ng luob..maganda talaga ugali..loving lola"

"Namiss ko tuloy ang inang ko. Maganda pa memory nya at 80s pero nastroke kasi sya kaya asa heaven na sya."

"sweet naman..i remember my mom for being a lola..they called her coolest lola"

"Thank you for sharing this kuya, namiss ko si lola."

Samantala, talagang close si Alvin sa kanyang nonna dahil sa isang video nito makikita namang 'sayawan' naman ang naging bongding nila.

Nakakatuwa at sa isang videoke cubicle ng isang arcade ito naganap. Nangangahulugan na kasa-kasama pa talaga ni Alvin ang kanyang nonna sa pamamasyal.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel