Happy 6th anniversary! Chiz Escudero at Heart Evangelista ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo

Happy 6th anniversary! Chiz Escudero at Heart Evangelista ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo

- Masayang inanunsyo ng Kapuso aktres na si Heart Evangelista ang anibersaryo ng pag-iibigan ng asawang Senador na si Chiz Escudero

- Februar 15, 2015, kinasal ang dalawa sa isang ekslusibo at engrandeng kasal sa Balesin Island Resort

- Ngunit, base na rin sa caption ni Heart, nag-umpisa pala ang kanilang pagmamahalan tatlong taon bago sila kinasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan ng KAMI ang napakasweet at napakarefreshing na litrato ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero sa Instagram post ng Kapuso aktres dalawang araw na nakakaraan.

Sa nasabing litrato ay makikita na nasa beach sila at nakatwinning na suot habang masayang nagpa photo shoot sa maputing buhangin at ginawa ang napakagandang view ng dagat na backdrop nila.

Pero mas kinilig at nainspire ang mga milyong tagahanga ng Kapuso aktres dahil sa napakasweet na caption na sinulat niya.

Ani niya:

"From the little things like making me laugh to the bigger things like helping me through difficult times, you have never failed to be my person. 6 years ago today we embarked on this journey together and I thank God for it everyday. Happy anniversary, my love! (couple emoji)"

Hindi naman napigilan ng mga fans na magcomment, at heto ang iilan sa kanila:

"Happy anniversary heart and senator chiz...sen you look young po....god blessed you both"
"happy anniversary @iamhearte & senator chiz!!!"
"Congratulations and happy anniversary."
"Wishing you many more years of love and happiness! "
"Lovely couple! Happy anniversary! @iamhearte"

Umabot sa mahigit na isang daang libong likes ang nasabing post.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015.

Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel