Lalaking kumanta sa mall para makalikom ng pera para sa misis na nasa ospital, nag-viral

Lalaking kumanta sa mall para makalikom ng pera para sa misis na nasa ospital, nag-viral

- Agaw eksena ngayon ang isang mister na lakas loob na kumanta sa isang mall bilang paghaharana sa mga namamasyal at makahingi na rin ng tulong para sa asawa niyang nasa ospital

- Ayon sa mister, di pa niya mailabas ang kanyang misis na bagong panganak dahil wala siyang pera pambayad sa ospital

- Pinakanta ng crew ng Handyman ang lalaki at laking gulat ng mga tao nang marinig ang boses nito dahilan din para makalikom siya ng pera para sa kanyang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gagawin talaga ng lahat ng mister na ito para lamang makalikom ng pera at mailabas na ang asawa niyang bagong panganak sa ospital.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang video ng mister kung saan pinakanta ng isang crew ng Handyman sa isang mall sa Calapan Oriental Mindoro.

Bilang patunay, may mga dalang medical records ang mister. Dahil dito, binigyan ng mikropono ang lalaki mula sa isang salesman sa Handyman. Pinakanta nila ang mister at laking gulat nila sa ganda ng boses nito.

Sa panghaharana na ito ng mister, nakalikom siya ng marami -raming halaga para tuluyan na niyang maiuwi ang kanyang mag-ina.

Samantala, labis na hinangaan ng mga netizens ang ginawa na ito ng mister. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mas ok pa itu kisa magnakaw.. cge lang kuya kanta kalangis importante kumita ka Ng pera galing sa boses mo at Sao mga taong May puso.. I salute po"

"Kung nagkataong anjan ang anak q cguradong maabutan ka nya...mapagbigay kc xha,keep it up Kuya sana makalabas na ng ospital ang mag ina mu.."

"God bless you kuya..sana makalabas na ang misis mo sa hospital at salamat sa mga tumulong kay kuya..mas mabuti na den ang ginawa niya kahit hirap di niya inisip ang magnakaw..or nag isip nang masama magka pera lang..i salute you kuya"

"Ganda ng boses ni kuya"

"Saludo aq sau lahat gagawin pra sa pamilya!GOD BLESS UR FAMILY"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI YOUTUBE CHANNEL

Source: Kami.com.ph

Related news
Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel