Asec. Mocha Uson, matapang na hinamon ni Sen. Nancy Binay hinggil sa federalism lecture

Asec. Mocha Uson, matapang na hinamon ni Sen. Nancy Binay hinggil sa federalism lecture

- Hinamon ni Senator Nancy Binay si Mocha Uson na pumunta sa senado at magpaliwanag tungkol sa federalismo

- Ito’y upang malinawan daw ang mga senador kung paano magbibigay ng impormasyon si Mocha sa publiko

- Nagpasalamat naman ang Asec. sa imbitasyon ng senadora

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalampas ni Senator Nancy Binay ang pagkakataon upang hamunin si Communications Assistant Secretary Mocha Uson hinggil sa pagkakapili nito bilang isa sa mga magbibigay impormasyon kaugnay sa isinusulong na federalismo.

Ayon sa senador, dapat umanong humarap si Mocha sa senado at ipakita sa mga mambabatas kung anong klaseng impormasyon ang ibibigay nito sa publiko.

“Being the designated messenger, we also wanted to hear how she would articulate or interpret the salient points of the proposed federal charter,” paghamon ni Sen. Nancy.

Nais din daw ng senadora na malaman kung paano ipapaliwanag ni Mocha ang epekto ng isinusulong na form of government.

"How the messenger relays the message is important. Clarity and knowledge about the subject are equally important elements,” tugon pa ng senador.

Sa video na inupload sa social media, nalaman ng KAMI na nagpasalamat si Mocha kay Senator Nancy sa pangingimbita nito sa kaniya bilang resource speaker ng federalismo sa senado.

Ngunit pinabulaanan ng dating sexy star na siya ang magbibigay ng lectures tungkol sa federalism at tatanggap ng P90 million para makatulong sa kampanya ng Charter Change.

“Hindi po totoo iyan, trabahante po ako ng gobyerno trabaho ko na po ang tumulong po sa dissemination of information tungkol sa federalismo,” paglilinaw ni Mocha.

Narito ang video ng interview kay Mocha:

Matatandaang noong lunes, ipinahayag ni Consultative Committee (Con-com) spokesman Ding Generoso na kasama si Secretary Mocha sa pag disseminate ng information tungkol sa federalism.

Sa nakaraang report ng KAMI, nakatanggap ng malulutong na salita si Mocha galing sa aktor at talent manager na si Ogie Diaz dahil daw sa pagiging “troublemaker” nito.

Si Mocha ay isang dancer, model, blogger, at public official na una nang umupo bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Noong 2017, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.

LEARN: What is federalism in the Philippines?

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel