Mag-asawang bulag na nagsasama sa loob ng 30 taon, namamalimos pantustos sa mga apo

Mag-asawang bulag na nagsasama sa loob ng 30 taon, namamalimos pantustos sa mga apo

- Lodi pagdating sa pag-ibig ang mag-asawang bulag na sina Lolo Fredo at Lola Flor

- Bagaman at di nakakita dama raw nila ang tunay na pagmamahal sa isa't isa sa loob ng 30 taon

- Sila rin ang nagtataguyod sa kanilang mga apo na iniwan ng kanilang mga anak sa kanila at may kanya- kanya na itong mga pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga talaga ang pag-iibigan nina Lolo Fredo at Lola Flor na bagaman at parehong bulag at matatag parin ang pagsasama sa loob ng 30 taon.

Nalaman ng KAMI na di man nila nakikita ang isa't isa, ramdam daw noon pa man ni Lolo Fredo na maganda si Lola Flor dahil daw maganda ang boses nito.

Bukod sa tatag ng kanilang pagsasama, labis na nakakabilib din kung paano tinataguyod ng mag-asawa ang kanilang mga apo na iniwan sa kanila ng kanilang mga anak.

Mayroon na rin kasing sariling mga pamilya ang kanyang mga anak kaya naman naiwan na lamang ang mga apo nila sa kanilang mag-asawa.

Pamamalimos ang siyang pinangbubuhay nina Lolo Fredo at Lola Flor sa kanilang mga apo. Dito na rin sila kumukuha ng mga gastusin ng mga apo sa kanilang pag-aaral.

Sa programang Reel Time, pinakita ang kwento ng mag-asawa. makikitang bakas pa rin sa kanila ang saya gayundin ng kanilang mga apo na kahit ganoon ang kanilang sitwasyon ay nabubusog parin sila ng pagmamahal nila sa isa't-isa.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube:

Marahil, matuturing pa ring swerte sina lolo Fredo at Lola Flor dahil nabiyayaan sila ng mga apo na malawak ang pag-iisip at masayahin at bakas sa mga bata ang malasakit nila sa kanilang nga lolo at lola.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel