Lakas ng SMB! Panalo ang San Miguel Beermen ng 38 points na lamang laban sa Ginebra Kings

Lakas ng SMB! Panalo ang San Miguel Beermen ng 38 points na lamang laban sa Ginebra Kings

- Humahurot sa laro ang lakas ng San Miguel Beermen dahil sa dalawang laro ay tila pinabagsak nila ang mga Nevery Say Die Kings

- Isang makasaysayan nga na laro ang nangyari sa Game 3 ng 2018 PBA Commissioner's Cup Finals

- Bumubulusok sa galing ang Beermen dahil iniwan nila ang Barangay Ginebra sa dalawang magkasunod na laro sa best-of-7 series para sa finals

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa mga balita ng iba't ibang sports at news sources na ang nangyaring kaganapan sa Game 3 ng 2018 PBA Commissioner's Cup Finals ay isang literal na kasaysayan sa PBA.

Winasak nga ng San Miguel Beermen ang Never Say Die Barangay Ginebra Kings sa ikatlong laro sa best-of-7 series para sa finals.

Nalaman ng KAMI na pinabagsak ng Beermen 38 points ang Kings sa score na 132-94, pabor sa SMB.

Dahil dito ay leading ang mga Beermen ng 2-1, sa dalawang game na pinanalo out sa tatlong game nila laban sa Ginebra.

Ayon pa sa balita na nakuha namin sa ABS-CBN News, ito ang ikalawang magkasunod na panalo ng Beermen laban sa Kings, matapos na durugin nila ang huli sa puntos na 134-109 sa Game 2 ng PBA finals sa nakaraang Linggo.

Pero hindi dito nag-umpisa dahil sa Game 1 ng best-of-7 series, nagmarka ang mga Gin Kings na they will Never Say Die (NSD) at nanalo ng 28 puntos na lamang sa mga Beermen sa score na 127-99 noong nakarang Linggo.

Subalit, bumangon at bumalik ang San Miguel Beermen at humarurot sa dalawang magkasunod na game ang Game 2 at Game 3.

Unang binalita namin ang sagupaan ng dalawang koponan para sa PBA finals kamakailan lang.

Tingnan ang susunod na bakbakan ng dalawang koponan para sa 2018 PBA Commissioner's Cup sa Twitter post sa baba.

Hinirang ang SMB guard Chris Ross bilang Best Player ng Game 3 2018 PBA Commissioner's Cup Finals na nagbigay ng 23 na puntos, 7 na rebounds, at 5 assists.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel