Bangko nilimas! Pera nagkalat sa isang silid ng bangko sa Tuguegarao City sa Cagayan

Bangko nilimas! Pera nagkalat sa isang silid ng bangko sa Tuguegarao City sa Cagayan

- Kapapasok nga lang na balita, isang bangko sa Tuguegarao City sa Cagayan ang nilooban umano ng limang lalaki na nagpanggap daw na mga pulis

- Nangyari ang ang pangloloob pasado alas otso ng gabi ng Martes, July 31, 2018 sa isang branch ng Metrobank sa nasabing siyudad

- Isang litrato na bigay umano ng PNP Tuguegarao ang nagpapakita ng mga pera na nagkalat sa isang silid ng naturang bangko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang nakakadismayang balitang ito ay naispatan namin una sa ABS-CBN News, at ayon sa news source, isang puting van daw ang nagpark sa likod na bahagi ng Metrobank.

Isa sa mga sakay ay unang bumaba na may dala daw na tickler, at ang sabi ay magcoconduct umano sila ng inspection, at sinabi pa nito sa gwardiya na pulis siya.

Sa pagpapatuloy ng salaysay ni Supt. George Cablarda, ang hepe ng PNP Tuguegarao City, napag-alaman naman dito sa KAMI na pinadapa daw ang mga gwardiya ng bangko at itinali daw ang dalawa sa mga ito, at saka pa daw sila pumunta sa taas ng bangko para kunin ang pera.

"Iyung van na puti na nagpark sa likod ng Metrobank, bumaba muna yung isa na may dalang tickler, sabi niya magkaconduct kami ng inspection, pulis ito sabi sa gwardiya. Pinadapa itong mga gwardiya na nasa baba, nung naitali na itong dalawang gwardiya saka na sila pumunta sa taas at dun na nila kinuha yung pera."

Limang minuto lang daw ang ginugol ng grupo sa paglimas ng pera sa bangko bago sila umano tumakas sakay ng isang puting van.

Dagdag pa ni Supt. Cablarda:

"Kung titignan mo how they wear the uniform, hindi talaga sila pulis. Sa amin naman sa Tuguegarao, hindi kami nagkaconduct ng inspection sa gabi."

Dalawa daw sa guwardiya ay isinailalim sa polygraph test, at sinabi na hindi umano isinasantabi ng pulisya ang anggulong inside job.

Saad pa ni Cablarda:

"Nataon nga na nagbibilangan ng pera tapos ganung oras na bakit pa binuksan nitong gwardiya, so hindi natin tinatanggal yung possibility na inside job ito whether sa part ng gwardiya or sa isang empleyado."

Tikum pa rin daw ang bangko tungkol sa nangyari pero ayon umano sa kanilang advisory ay naikumpirma nila na nasa 21.4 million pesos ang nawawalang pera sa Metrobank.

Gayunpaman, tiniyak ng bangko na walang customer account ang naapektuhan sa nangyari.

Maayos naman daw ang kalagayan ng mga empleyado sa bangko, at sa ngayon daw, ay patuloy ang pakikipagtulungan nila sa mga awtoridad para sa pagkalutas sa insidente.

Bangko nilimas! Pera nagkalat sa isang silid ng bangko sa Tuguegarao City sa Cagayan
Credit: ABS-CBN News/PNP Tuguegarao

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin