A bit of kindness to start your day! Nagtrending ang pulis na tumulong sa isang Quadriplegic man

A bit of kindness to start your day! Nagtrending ang pulis na tumulong sa isang Quadriplegic man

- Marami na tayong naririnig ngayon tungkol sa mga "bad cops," at talaga namang nakakainis pero bakit hindi din natin i-focus ang ating pansin sa mga "good cops" ng bayan

- At ito nga ay inihatid ng isang page sa Facebook na nagbibigay ng inspirasyon at magandang pagkilala sa mga mabubuting pulis ng bayan

- Ibinihagi ang kabutihan sa pagtulong sa kapwa, at pinatunayan na ang kabutihan ay libre lang at kung lahat tayo ay magtutulungan imbis na magsisiraan, siguro mas gaganda pa ang mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ba't kay ganda pa ng mundo kung ang naririnig natin ang mga kawang gawa, pagbibigayan, at pag-iintindi rin sa ating kapwa?

Kaya naman gusto namin dito sa KAMI na bigyan kayo ng isang magandang kwento na nakaka-inspire, nakakagaan sa loob, at nakaka good vibes din.

Naispatan namin ang kwento ng isang "good cop" na good samaritan sa Inspire More, at naniniwala kami na importante ang pagbahagi ng kabaitan at mabuting pakikitungo sa kapwa dahil sa mundo natin ngayon, ito ang ating kailangan.

Ang istoryang ito ay nagviral na dahil na din sa magandang mensahe na ibinibigay nito sa mga tao sa buong mundo, at pagpapaalala din na hindi lahat ng pulis ay masama, mayroon pa po tayong mabubuting pulis.

Isang Facebook user na may pangalang Erica O'Neal Melton na taga Prattville, Alabama sa Amerika ang nagpost ng viral ng totoong buhay na pangyayari.

Ayon pa sa kwento, nasiraan dawn sila ng van sa interesection sa isang mainit at mahalumigmig o humid na hapon noong nakaraang Linggo, nai-post ito noong July 26, 2018.

Ang mister niya na si Douglas Melton ay isang quadriplegic, may kaugnayan sa paralisis ng lahat ng apat na limbs o sanga ng katawan.

Kung iisipin napakahirap na sitwasyon para sa misis na si Erica dahil kailangan pa niyang humingi ng tulong habang ang mister niya ay nasa wheelchair sa loob ng mainit na van.

Sa kabutihang palad ay nakuha niya ang pansin ni Sgt. T.R. Hope, isang 17-year veteran sa Prattville Police Department, at isang pulis pa ang tumulong para itulak ang van mula sa gitna ng intersection.

Ang mga nasabing pulis ay hindi umalis hanggan isang tow truck ang dumating, at hindi lang ito ang kanilang ginawa dahil sinigurado din nila na komportable at well hydrated ang dalawa.

Hindi lang din ang mga pulis ang tumulong kung hindi ilang mga "Good Samaritans" din ang huminto at nagbigay ng pagkain at tubig sa mag-asawa.

Dahil na din namangha at natouch si Erica sa umaapaw na kabutihang loob ng mga tao kaya shinare niya ito sa kanyang Facebook page.

Sinabi naman ni Sgt. Hope, ang pulis na nagpainom ng tubig sa mister sa kuhang litrato, na ginawa lang naman daw niya ang kanyang tungkulin at kahit sinong pulis man daw ay gagawin din ito.

Pero iba ang nakita ni Erica, ayon pa sa kanya:

“He was so gentle and nice. He didn’t have to do it.”

Hindi maiwasan din ang maraming magagandang komento tungkol dito pero isang kapwa pulis din ang nakapagbigay ng madamdaming tugon sa FB post na ito ni Erica, at ang sabi na merong masasamang pulis naman daw talaga pero lahat ng uri na propesyon ay may masasamang tao. Ang problema lang daw ay hindi binibigyan ng magandang mukha ang mga magagandang istorya.

"I have been in law enforcement for 20 years while serving in the military and 24 years serving in my civilian jurisdiction. It's articles (stories) like this that show the true side of the majority of police during their daily duty. Yes, there are bad cops...but...there are bad in every profession. The problem is the media doesn't get the viewership from the good stories. I just want to say thank you for recognizing what these good officers did. The compliments are always far and few between. God bless!"

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel