Judy Ann Santos, inaming may pinagdadaanan si Ryan Agoncillo kaya't wala ito sa Eat Bulaga

Judy Ann Santos, inaming may pinagdadaanan si Ryan Agoncillo kaya't wala ito sa Eat Bulaga

- Ipinaliwanag na ng aktres na si Judy Ann Santos kung bakit wala ang asawang si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga

- Sinabi nitong may pinagdadaanan ang asawa at kailangan munang sumailalim sa therapy

- Nagpasalamat naman si Juday sa mga nag-aalalang fans at nangako siyang tuloy-tuloy ang pagpapagaling ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinunyag ng aktres na si Judy Ann Santos ang dahilan kung bakit ilang araw nang absent ang kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo sa noontime show nitong Eat Bulaga.

Ito’y matapos mapansin ng mga fans na tila hindi nila naaaninag ni anino ng host sa nasabing show.

Sa pahayag ni Judy Ann, o mas kilala bilang Juday, nalaman ng KAMI na kailangan munang sumailalim ni Ryan sa isang therapy.

Naobserbahan diumano ng doktor ni Ryan na mabagal ang paggaling ng tuhod nito mula sa pag opera sa kanya noong nakaraang taon matapos maaksidente sa motorcycle training.

“E, yung time ng therapy na ibinigay sa kanya ng doctor, yun din ang time niya sa Bulaga,” tugon ng misis ng aktor sa PEP.ph.

Pinaliwanag ni Juday na isang buwan pa lamang matapos ang operasyon sa tuhod ng aktor ay bumalik na ulit ito sa longest-running noontime show.

Ngunit nang masuri ulit ng kanilang surgeon ang tuhod ni Ryan ay nadiskubre na hindi pa nga ito tuluyang gumagaling.

“Kumbaga sa kalendaryo, dapat sa part na ito, magaling na, fully recovered na siya. Hindi pa umaabot sa ganung stage, kasi nga hindi niya natutukan ang therapy niya,” paliwanag ni Juday.

Ayon sa Kasal, Kasali, Kasalo star, natutuwa siya dahil tila hinahanap ng fans ang aktor.

““Sa lahat ng naghahanap at nakaka-miss, thank you, kasi nakakataba ng puso. Huwag na kayong mag-worry, okay naman po si Ry. He’s very okay, he’s on his way to recovery,” dagdag pa ni Juday.

Hindi naman daw alam ng aktres kung kailan makakabalik ang kaniyang asawa sa Eat Bulaga.

“Parang, I think, they (Eat Bulaga hosts) also want him to recover fully, at saka delikado rin kasi. I always tell him na, 'Napakasuwerte na naging part ka ng Eat Bulaga,'” sabi pa ng aktres.

Sa nakaraang report ng KAMI, ipinaranas ni Juday sa kaniyang mga anak na sina Lucho at Luna ang simpleng buhay sa probinsya.

Si Judy Ann ay isang Filipino film at television actress na bumida sa mga palabas na Mara Clara, Basta’t Kasama Kita, at Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Pinakasalan niya si Ryan Agoncillo noong April 28, 2009 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Juan Luis at Juana Luisa at ang kanilang adopted daughter na si Yohan.

POPULAR: Read more news about Judy Ann Santos!

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel