"There's something about Taipei," Mikey Bustos binahagi ang kanyang masayang bakasyon sa Taiwan!

"There's something about Taipei," Mikey Bustos binahagi ang kanyang masayang bakasyon sa Taiwan!

- Ang Canadian Idol, comedian, at singer na puso at dugong Pinoy na sikat na internet celebrity din ay ibinahagi ang kagandahan ng Taipei

- Gumawa ang YouTuber star ng isang promotional video para sa bansang Taiwan, kung saan pinakita niya ang travel at food sa siyudad sa isang music video

- Dito rin ay finiteaure ang kanyang original song na "My New Crushie," para sa hashtag Fun Taipei promo 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ang bongga at masayang bakasyon ng social media star na si Mikey Bustos sa Taipei sa bansang Taiwan sa Philippine Entertainment Portal o PEP.

Napanood din namin ang isa sa pinag-uusapang video sa internet ngayon, at ito nga ang video ng Canadian Idol runner-up na si Mikey.

Pinamagatan ang naturang video na Fun Taipei 2018, at ayon sa napag-alaman ng KAMI, ito pala ay isang kolaborasyon ng Taipei City Department of Information and Tourism (DIT) sa Filipino-Canadian internet celebrity, singer, at comedian na si Mikey Bustos.

Sa nasabing music video na ginawa niya gamit ang kanyang kantang "My New Crushie," ay pinakita ang kagandahan ng Taipei.

Dito ay pinakita ni Mikey ang mga magagandang lugar na pwedeng puntahan at bisitahin kung nasa Taipei, Taiwan ka.

Ayon pa sa YouTuber, ilang araw din na ginawa nila daw ang naturang video sa buong siyudad na shinoot ang mga tourist attractions, mga pagkain, at shopping places para maipakita ang tourist-friendly Taipei.

Sinabi daw ni Mikey Bustos sa panayam niya sa PEP:

“There’s so much [to explore]. The night market is really unique there. I’ve been to night markets all over Asia, but Taipei is great.The street food is yummy. Stinky tofu they had, medyo mabaho but it tastes really good."

Dagdag pa ni Mikey sa kanyang pahayag tungkol sa bansang Taipei:

“The hotels are awesome. There’s something about Taipei... they're kinda like modern, but they're hip, like they're kinda cool. For millennials, people who have millennial kids, they will love Taipei. And the Taipei people are really friendly, again lots of food places, restaurants.”

At sa pagtatapos na bahagi niya, shinare niya ang mga tours na highly recommended niya:

"I highly recommend the bus tour, the bus tour is really awesome. It sprays you with water so its nice and cool. And it takes you around Taipei."

Sa mga mahilig naman umano sa shopping, ang Taipei daw ang place to be.

"Lots of shopping you can do there.They have this thing like goodbye sales or bye-bye sales, where the store’s closing and you can get things really really cheap. If you like shopping, Taipei is the place.”

Maraming magagandang lugar ang bansang Taiwan at isa na nga rito ay ang Taipei.

Kaya hanggang extended pa ang visa-free entry ng Taiwan para sa ating mga Pinoy, punta na at bisitahin ang siyudad ng Taipei!

Si Mikey Bustos o Michael John Tumanguil Pestano Bustos ay isang Filipino Canadian singer at comedian, at ngayon ay kilalang social media star din.

Inuwi umano niya ang 7th place ng Canadian Idol.

Siya din daw ay ang may-ari ng AntsCanada, na isang online shop.

Busy din siya gumagawa ng Vlog sa kanyang YouTube.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel