Walang kalaban-laban! Video ng "mayamang" lalaki na pinagsasapak ang isang basurero, viral ngayon

Walang kalaban-laban! Video ng "mayamang" lalaki na pinagsasapak ang isang basurero, viral ngayon

- Isang lalaki ang nakunan ng video matapos magsisigaw sa galit dahil nagasgasan ang kaniyang kotse

- Napag-alaman na nasabitan pala ito ng kasunod na truck ng basura

- Pinagmumura at hinamon pa ng saksakan ng driver ng kotse ang basurero sa truck

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na-kontrol ng isang lalaki ang kaniyang emosyon at bigla na lamang itong nagsisisigaw matapos magasgasan ang kaniyang kotse ng isang truck ng basura.

Nalaman ng KAMI na hindi pa nakontento ang lalaki na "mayaman" daw ayon sa post at pinagsasapak pa ang basurero.

Walang kalaban-laban! Video ng "mayamang" lalaki na pinagsasapak ang isang basurero, viral ngayon

Screenshot ng video

Nang akmang papalag ang kausap ng lalaki, mas lalo itong nagngitngit sa galit at naghamon pa ng saksakan.

“Pare, babagsak ka dito sinasabi ko sa’yo! Ang angas mo ha! Subukan mo… Saksakan tayo, gusto mo?” sigaw ng lalaki sa basurero.

Sinisi pa ng may-ari ng kotse ang mga basurero sa truck dahil pinuno diumano nila nang masyado ang sasakyan kaya nawalan ito ng kontrol.

“Paano kang hindi sasabit ng ganyan… Bakit kasi pinuno mo ng ganyan?” dagdag pa ng lalaki.

Nagpaliwanag ang basurero sa driver ng kotse na hindi naman siya ang nagmamaneho ng truck kaya hindi dapat sa kaniya nakikipag-usap ngunit nangibabaw pa rin ang boses ng lalaki.

“Magreklamo ka, pare! Magreklamo ka! ayon sa may-ari ng kotse.

Walang kalaban-laban! Video ng "mayamang" lalaki na pinagsasapak ang isang basurero, viral ngayon

Screenshot ng video

Base sa pahayag ng sinasabing mayaman na lalaki, sinagot at naging maangas pa diumano sa kaniya ang basurero gayong sila ang may kasalanan kung bakit nagasgasan ang kaniyang kotse.

“Sasagutin mo ‘ko, kayo naka-disgrasya diyan… Ang hirap sainyo eh… Kayo pa ang matapang!” sigaw ng lalaki na minura pa ang basurero.

Pinabulaanan naman ng basurero ang bintang ng lalaki.

“Wala naman akong sinasagot sainyo, Sir, ah… Wala namang isinagot sainyo,” pagdidiin ng basurero.

Narito ang video:

Hindi naman naiwasang umani ng reaksyon mula sa mga netizens ang viral na video.

Ayon sa isang Ruben De Guzman, dapat naging “cool” lang daw ang driver ng kotse at hindi dapat ito nagmura.

“Bakit dito sa Pinas masagi lang ang kanilang sasakyan halos buhay na ang kabayaran. Yabang mo manong. Dapat cool ka lang hwag Kang magmura. Yan ba ang itinuro sa iyo nga mga magulang mo?” sabi ng netizen.

Sa nakaraang report ng KAMI, isa namang babae ang nakipagsagutan sa isang traffic enforcer nang sitahin siya nito dahil hindi nakasuot ng helmet sa pagbi-byahe.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakatawang video ni Scarlet Snow Belo habang nagta-Tagalog at Bisaya, nag-viral sa social media

Nakakatawang video ni Scarlet Snow Belo habang nagta-Tagalog at Bisaya, nag-viral sa social media

Nakakatawang video ni Scarlet Snow Belo habang nagta-Tagalog at Bisaya, nag-viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel