Sweet naman! JC De Vera isang proud at hands-on daddy sa kanyang unang baby

Sweet naman! JC De Vera isang proud at hands-on daddy sa kanyang unang baby

- Kamakailan ay nabalita ang Kapamilya aktor na si JC De Vera na isang ganap na ama na sa kanyang unang baby

- Sa Tonight with Boy Abunda, proud naman na ikinuwento ng aktor na naging isang ganap na daddy na siya sa kanyang baby Luna

- Binahagi din ng aktor ang kanyang mga karanasan sa mula sa operating room hanggang sa pag-aalaga ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa Push, bumisita ang aktor na si JC De Vera sa show ni Tito Boy na Tonight with Boy Abunda.

Sa nasabing interview ay ibinahagi ng aktor ang kanyang pagiging isang ganap na ama sa unang anak niya na pinangalanang baby Lana.

Ani pa ng aktor:

“Nung nandun ako sa operating room, as in nasalo ko yung daughter ko. As in, ako yung humila dun sa head niya. So from that moment, sabi ko sa sarili ko, puprotektahan ko ‘tong batang ‘to, kahit anong mangyari. As in nakarga ko siya ng walang praktis-praktis.”

Dito nalaman pa ng KAMI na proud na proud umano siya sa kanyang bagong role bilang bagong daddy.

Ipinagmamalaki din ni JC De Vera na ngayon daw ay marunong na siya "mag-change ng diapers at mag-swaddle."

Saad pa ng aktor:

“Kaya ngayon ko lang din siya nilabas, para ma-savor ko yung bawat moment na kasama ko sila.”

Ani niya, nagdesisyon na siya na inilabas niya ang kanyang pamilya sa publiko dahil saad niya:

“kasi ayaw ko silang itago, hindi nila deserve na itago sila. They deserve all the happiness in life.”

Proud din ang aktor sa kanyang partner niya:

“I’m really proud of Rica kasi nga sobrang ganda ng values niya. Hindi lang siya, even her family.”

Pagtatapos pa ni JC De Vera ay may plano na rin daw siyang magpakasal.

“Ang goal namin by the time na nagwo-walk na si Lana, ang gusto ko sana sumama siya sa Mom niya na maglakad sa aisle. Pinag-iipunan ko yun ngayon.”

Kamakailan lang ay binahagi naman ang mga unang litrato ni JC De Vera at kanyang pamilya.

Si JC De Vera ay unang nakilala bilang isang GMA artist mula 2003 hanggang 2010, at ngayon ay isang ganap na Kapamilya ang aktor.

Kasali siya sa primetime teleserye ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Piolo Pascual ang Since I Found You at kasama rin siya sa Banana Split Extra Scoop.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel