Sapawan pa more! Jay-R, Jaya, at Jayson Dy nagsalita sa "bad attitude" at sapawan sa industriya

Sapawan pa more! Jay-R, Jaya, at Jayson Dy nagsalita sa "bad attitude" at sapawan sa industriya

- Sa media conference ng nalalapit na concert ng tatlong royals ng RnB and Soul na sina Queen of Soul Jaya, the King of RnB Jay-R, at ang The Voice Season 2 winner, Jason James Dy

- Dito ay binahagi ng tatlong singers sa nasabing conference na naganap kahapon sa hapon, July 31, 2018, ang tungkol sa kani-kanilang karanasan sa "bad attitude," at sapawan sa music industry

- Nagbahagi din si Jay-R ng kanyang personal na karanasan sa isang baguhang singer na sinabihan siya ng hindi maganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng Push, habang naghahanda ang tatlong RnB and Soul na sina Jaya, Jay-R, at Jason Dy sa kanilang upcoming concert na pinamagatang SoulJa, nagbahagi ang King of R&B Jay-R sa isang insident na nangyari dati umano.

Napag-alaman ng KAMI na may isang baguhang artist daw na sinabihan siya na mas magiging sikat umano ito kaysa kanya.

Kwento pa ni Jay-R:

“Nung nasa kabila ako dati, may bagong artist, very young guy, nag-a-R&B din. Yung handler ko, she introduced me to this new artist. She said, ‘Hey, I want you to meet this new guy, he’s a fan of yours and he wants to make it in the industry.’ So nag-usap kami."

Dagdag ng King of RnB singer na si Jay-R:

“Sa handshake pa lang, parang competitive na kaagad. Tapos unang-una niyang sinabi sa akin was like, ‘Hey man, are you Jay-R? Yeah, I’m going to be more famous than you.’ Ang sabi ko na lang, ‘Yeah it’s nice to meet you.’ Tapos nung binalikan ko (after years), parang wala naman.”

Si Jaya din nagshare ng kanyang sariling obserbasyon bilang isa sa mga hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It's Showtime.

Ayon sa kanya, na lima daw sa taga 100 contestants ay mapagmataas.

Sambit pa ni Jaya:

“I’ll be honest na lang. Kunyare na lang sa TNT, hindi pa nga kilala, e havey na ang attitude. Pati ako minsan dinadaan-daanan lang. You know what I do, I ignore. What can you do to me. Just let them be, Pero marami din... ayoko mag mention.”

Nag-agree naman sina Jaya at Jay-R sa isyu ng ibang mga ugali ng mga artista tungkol sapawan at sa pagwawalang-bahala lamang sa kanila.

Si Jason Dy naman ay nagbahagi naman ng kanyang natutunan sa pagtatrabaho sa mga long-time artists gaya nina Jaya at Jay-R.

“I noticed in my very short time in the industry (three years na) kung sino pa yung mga sobrang sikat, sila pa yung sobrang mababait. Walang arte, walang attitude. So I learned from that.”

Ang tatlong singers ay magpeperform sa kanilang concert na SoulJa noong August 30, sa Newport Performing Arts Theater na inorganisa ng Resorts World Manila at Cornerstone Concerts.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil hindi nakakasahod at 'di nakapagpadala, anak ng 1 OFW, nasawi

Dahil hindi nakakasahod at 'di nakapagpadala, anak ng 1 OFW, nasawi

Dahil hindi nakakasahod at 'di nakapagpadala, anak ng 1 OFW, nasawi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel