Kadiri raw! Netizen, isiniwalat ang di umano'y dugyot na paghahanda raw ng paborito nating taho

Kadiri raw! Netizen, isiniwalat ang di umano'y dugyot na paghahanda raw ng paborito nating taho

- Binahagi ng facebook page na TV Patrol Negros ang ilang sa mga nakunang larawan kung paano raw hinahanda ang paborito ng mga Pinoy na taho

- Makikita sa mga larawan na di malinis ang kapaligiran kung san ito niluluto at kapansin-pansin na maging ang mga kagamitan na ginagamit at marumi rin

- Iba't iba ang naging reaksyon ng mga netizens at karamihan ay di maiwasang mandiri at sana raw ay di lahat ng binibilhan nila ng taho ay ganitpa gnproseso ng paghahanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang mga larawan na binahagi ng TV Patrol Negros kung saan isiniwalat ang pagluluto at pagprepara ng paborito ng mga Pinoy na taho.

Wala raw ibang intensyon ang nagbahagi ng mga larawan kung paano niluluto ang taho sa isang lugar sa Negros kundi ang ipagbigay alam ito sa kinauukulan na dapat mag-ingat.

Nalaman ng KAMI na tila may ilang nawalan na ng ganang bumili ng minatamis na pagkaing ito dahil sa mga larawang na nagpapatunay na tila di malinis ang pagluluto nito.

Di man ito ginagawa ng lahat ng taho vendors ngunit mainam nang mag-ingat at magsilbing babala ang mga larawan at nang sa ganoon ay di na rin maulit pa.

Kadiri raw! Netizen, binahagi ang dugyot na paghahanda raw ng paborito nating taho

image: TV Patrol Negros/fb

Makikita sa post na di malinis ang lugar na pinaglulutuan ng taho. Ang mas nakababahala pa ay mismong ang mga panluto na ginagamit ay marumi rin.

Samantala, dahil sa nakababahalang sitwasyon na ito, nagsagawa ang City hall ng Negros ng imbestigasyon ukol dito.

Kadiri raw! Netizen, binahagi ang dugyot na paghahanda raw ng paborito nating taho

image: TV Patrol Negros/fb

Umani ng iba't ibang reaksyon ang mga netizens na nakakita ng mga larawan. Sana lang daw ay di lahat ng nagtitinda ng taho ay ganito ang ginagawa.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

" Eto ah. Kung yan lang ang hanap buhay nyo. Sana alagaan nyo na. Mamaya ipasara o ipahinto yan sasabihen nyo "paano na pamilya ko" "mahirap lang po kami" edi pra di mawala yan sainyo edi ayusen nyo.kelangan kasi mahuhuli pa bago ayusen eh"

Kadiri raw! Netizen, binahagi ang dugyot na paghahanda raw ng paborito nating taho

image: TV Patrol Negros/fb

"Paborito pa naman namin yan, sana naman malinis nilang gawin"

"ok lng sana kung madumi tau ang kakain at tau ung mapurwesyo paanu nlang ung mga anak natin o ibang mga bata...magkas8...sabi nga nila sa huli ang pagsisi wala saunahan"

"Ok sa akin ang sa soya pero ang hindi ko matake ay ang syrup at sago nya. Saan ang area nang magtataho na ito?"

"yan ang secret ingredient..kaya sarap na sarap tayo sa kakahigop.."

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel