Heart Evangelista may sekretong ibinunyag kaugnay ng pelikulang Crazy Rich Asians

Heart Evangelista may sekretong ibinunyag kaugnay ng pelikulang Crazy Rich Asians

- May inamin ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na isang maliit na sekreto na tinago niya

- Ito ay may kaugnayan sa pelikulang Crazy Rich Asians na kung saan dalawang Pinoy ang kasali, at ang isa nga rito ay si Kris Aquino

- Binahagi ng misis ni Senator Chiz Escudero na nag-audition pala ang aktres sa nasabing pelikula pero hindi sinabi kung anong role

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumalo nga si Heart Evangelista para sa Paris Fashion Week sa City of Lights, at naging usap-usapan ang ilan sa mga pictures niya.

Ito ay dahil sa kanyang mga magagara at fashion-forward OOTD styles at looks na binahagi niya sa nasabing fashion week.

Pero bukod dito sa kanyang high-fashion at classy outfits sa PFW ay napansin din ng mga tao ang iilang mga pictures na kasama niya ang author ng librong Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan.

Ayon pa sa ekslusibong panayam ng GMA Network Online, isiniwalat at ibinahagi ni Heart Evangelista kung paano niya nakilala ang bestselling author na si Kwan.

Dito na napag-alaman ng KAMI, na ibinulgar ng Kapuso aktres ang maliit niyang sekreto, ika pa niya:

Ani niya:

"I actually auditioned for 'Crazy Rich Asians.' That's my little secret. I almost got the part actually. That's what he told me."

Nag-audition pala siya para sa role at muntik na raw niyang makuha ang role na ito, at ito daw ay ayon kay Kevin Kwan.

Pagpapatuloy pa ng kwento ng kakapirma lang na Kapuso star:

"Then, I met him when he went to the Philippines for his promotion of the book. We got along. The next time, I remember, he wrote about my painted bags for the New York Times. Nagulat ako na naalala niya ako."

Personal umanong inimbitahan si Heart ni Mr. Kwan nag magkita sa Paris.

Kwento pa ng aktres:

"I got a call from him [asking] if I was attending Paris Fashion Week because he had something for me in Paris. We were going to shoot something very special. Nagulat ako that he messaged me."

Dagdag pa ni Heart:

"When I went to Paris and I met him, we became very close and we worked on something together. Hopefully it will not be the last."

Gayunpaman, hindi na ibinahagi ng aktres kung ano ang role an in-auditon niya para sa Crazy Rich Asians kung saan kasali si Kris Aquino.

Sambit pa ni Heart Evangelista:

"I'm shy. But I made sure na in case na ma-leak 'yung audition tape ko, hindi nakakahiya. I hired a crew. Tineyp ko siya like a telenovela."

Masaya naman daw siya na na-appreciate ng mga movie producers ang kanyang effort.

"Nakakatuwa. It was an experience. It's funny because sobrang na-appreciate nila 'yung audition tape ko."

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015.

Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Learn the best way to look good while you’re in the gym with our makeup for gym experts below.

Check out more exciting and fun tips and tricks on some beauty regimen and makeup tutorial videos among others by clicking here- BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer

Mabigat na pagsubok: Marlo Mortel shares his mother’s worsening battle with cancer
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel