Guro, buong tapang na binahagi ang sitwasyon ng estudyante niya na di raw pasok sa benepisyo ng 4Ps

Guro, buong tapang na binahagi ang sitwasyon ng estudyante niya na di raw pasok sa benepisyo ng 4Ps

- Binahagi ng isang guro ang totoong sitwasyon ng estudyante niya na di raw umano pasok sa kwalipikasyon upang mabiyayaan ng tulong ng gobyerno na 4Ps

- Nadurog daw lalo ang puso ng guro matapos niyang makita ang kalagayan ng kanyang estudyante na karapat-dapat lamang daw mabiyayaan ng tulong ng gobyerno

- Umani rin ng iba't ibang reaksyona ng viral post ng gurong si Cathy Cabungcal mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala sa tawag na 4Ps ay proyekto ng ating pamahalaan na naglalayong bigyan ng tulong pinansyala an =g mga pamilya ng estudyante na labis na nangangailangan.

Nalaman ng KAMI na ito ay benepisyo ng pamahalaan na binibigay ng DSWD o Department of Social Welfare ang development.

Nakalulungkot lamang isipin na tila di raw lahat maging sila ay kwalipikado na ay di parin nakatatanggap ng tulong na ito ng pamahalaan.

Gaya na lamang ng binahagi ng isang guro na si Cathy Cabungcal kung saan pinuntahan niya talaga ang kanyang estudyante na na-'deny' daw sa 4Ps.

Lalong nadurog ang puso ni Cathy ang kalagayan ng estudyante na isang barong barong lang ang tinitirhan.

Ayon sa ina ng estudyante ni Cathy, sa kasamaang palad, kahit pa ganoon na raw ang kanilang sitwasyon, di pa rin daw sila nakapasok sa kung anuman ang kwalipikasyon para mabigyan ng 4Ps.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito ng guro. ang ilan pa sa mga netizens ay nagbahagi na tila ang iba raw sa nabibiyayaan ay may kakayanan pa naman kahit paano na makakain manlang ng maayos sa araw-araw.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Daming kasali sa 4ps na maayos ang buhay samantla yung wlang wla sila pa tuloy ang hindi kasali... sana naman yon ang matingnan ng mabuti ng mga nag Imbistiga tlga...di yung...bsta isali lang in short di parin mawala ang palakasan... hay naway...madami pang Pilipinong Pamilya ang tunay na makinabang sa Programa ng ating Gobyerno..."

"Tama yan kong Cno pa ang mahirap un pa di natatanggap palakasan lang kasi"

"Wow. God bless po maam.. sana maging daan ito para matulungan sila."

"Sila ung karapat dapat na mga 4s beneficiaries hndi ung may mga maganda bahay at sasakyan.. mga gov't employee.."

"Bakit ganon dipaba yan kapani paniwala na sistema ng isang pamilya na dapat bigyan ng pansin ng gobyerno jaan sainyo.dipaba sapat ang nasa larawan nayan kong sila ba talaga e nag apply para sa 4peace lalo pa siguro kong actual nila yan na bisitahin manlang.maawa naman sila ..gumising naman kayo mga nasa pwesto sa inyong brgy munosipyo man .maawa kayo sa pamilya nayan"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil daw sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok

Dahil daw sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok

Dahil daw sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel