8 taong gulang na bata, pasan ang kapatid na may polio makapasok lang sila ng paaralan araw-araw

8 taong gulang na bata, pasan ang kapatid na may polio makapasok lang sila ng paaralan araw-araw

- Marami ang naantig sa kwento ng 8 taong gulang na batang si Daniel Paculanang na araw-araw pasan ang kapatid na tinamaan ng polio

- Limang magkakapatid sina Daniel at tatlo sa mga ito ay tinamaan ng polio kasama na si Kyle na kasama ni Daniel sa eskwela

- Walang ibang hiling si Daniel kundi ang gumaing ang kanyang mga kapatid ngunit hangga't kaya raw niya ay handa pa rin daw niyang pasanin si Kyle makapasok lang sa paaralan

Di mo maiiwasang tumulo ang luha sa kwento ng batang si Daniel Paculanang, walong taong gulang na batang pasan araw-araw ang kapatid pagpasok sa paaralan.

Nalaman ng KAMI na limang magkakapatid sina Daniel at nakalulungkot isipin na tatlo rito ay may polio.

Ayon sa kwento ng ina sa Front Row, nilagnat na lamang daw ang mga anak niya, humina ang resistensya hanggang sa di na nakalakad. May mga social workers naman daw na dumating para magbigay ng turok sa mga bata ngunit kulang pa raw ito.

Ang kapatid ni Daniel na Kyle ang pasan pasan niya araw-araw dahil pumapasok rin ito ng paaralan.

Nilalagyan na lamang langis mula sa halamang milagrosa si Kyle para maibsan daw ang pananakit ng mga buto ni Kyle lalo na pag ito ay nagsusulat na.

Di nalalayo ang kwento nina Daniel sa naunang naikwento ng KAMI kung saan pasan ng ina ang anak niya makapasok lamang ito sa paaralan.

Tuwing maglalakad si Daniel na pasan si Kyle, di maiwasang sila ay magpahinga. Aminado si Daniel na napapagod siya dahil halos kasing laki lamang niya si Kyle kaya ito ay may kabigatan na. Pero tinitiis daw ito ni Daniel makapasok lang din ang kanyang kapatid sa paaralan.

Sa eskwelahan naman, nakaalalay ang guro ni Kyle sa kanya. Dahil di naman ito nakakatayo manlang, binubuhat si Kyle ng kanyang guro kung nais niyang sumagot at magsulat sa pisara.

Pinapayuhan naman si Daniel ng kanyang guro na magtapos ng pag-aaral. Gusto sana ng ina ni Daniel na siya ay maging guro ngunit nais ni Daniel na maging isang pulis.

Nakakadurog ng puso nang sabihin ni Daniel na dinadaan na lamang daw niya sa paglalaro ang gutom na nararamdaman para maibsan ang pangangalam ng tiyan.

Habang naglalaro si Daniel, matiyaga namang naghihintay si Kyle sa kapatid na magpapasan muli sa kanya pauwi ng kanilang tahanan.

Walang ibang hiling si Daniel kundi ang gumaling ang mga kapatid niya at may tumulong sa kanila na maipagamot ang mga ito. Ngunit ng tanungin si Daniel kung hanggang kailan niya papasanin si Kyle, mabilis na sagot ni Daniel, "Basta kaya ko."

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Front Row: 8 taong gulang na bata, pasan-pasan ang kapatid sa pagpasok sa paaralan on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica