Emosyonal na pag-alala ni Kris Aquino sa death anniversary ni Cory Aquino, nagviral sa social media

Emosyonal na pag-alala ni Kris Aquino sa death anniversary ni Cory Aquino, nagviral sa social media

- Nag viral ang madamdaming post ng aktres na si Kris Aquino para sa kaniyang ina na si Cory

- Sinabi ni Kris na alam niyang masaya ang kaniyang ina dahil kasama nito ang asawa na si Ninoy

- Nanghihinayang naman ang aktres dahil hindi na nakita ng dating pangulo ang development nina Josh at Bimby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Madamdamin at may panghihinayang ang naging post ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kaniyang Instagram account patungkol sa namayapa niyang ina na si former President Cory Aquino.

Sa kaniyang post, ginunita ng aktres ang ika-siyam na anibersaryo ng Ina ng Demokrasya matapos itong makipaglaban sa sakit na cancer noong August 1, 2009.

Ayon sa kaniya, sigurado daw siya na masaya ngayon ang dating pangulo lalo na’t kasama nito ang nag-iisang lalaking kaniyang minahal na si Benigno Aquino, Jr.

Binanggit din ni Kris na dahil sa kaniyang ina, naniniwala pa rin siya sa tunay na pag-ibig.

“Because of what i saw in you, i can still believe that TRUE, COMMITTED, & ENDURING LOVE is REAL because Dad was your 1st, last, & only love...” pahayag ng Feng Shui star.

Sa kabila nito, nalaman ng KAMI na nanghihinayang ang aktres dahil hindi na naabutan ng dating pangulo ang naging pagbabago ng mga apo nitong si Josh at Bimby.

Buong-pusong ipinagmalaki ni Kris ang panganay na anak dahil lumalaki daw itong may malasakit sa kapwa.

“Nanghihinayang lang ako na hindi mo naabutan yung development ni kuya josh & how slim, respectful, generous in sharing, effortlessly kindhearted, polite, gentle & appreciative he’s grown up to be,” tugon ng celebrity.

Nalulungkot din daw siya dahil hindi nakasama nang matagal ng kaniyang inang si Cory ang “male version of Kris” na si Bimby.

“For sure you’d be the proudest w/ how he’s turning out: excellent grades, articulate, truthful, protective, driven, caring, and responsible,” sabi pa ng showbiz personality.

Hindi naman naiwasang aminin ni Kris na katulad niya, walang preno sa kadaldalan ang anak na si Bimby at sigurado daw siya na kung nabubuhay pa ang dating pangulo ay matutuwa ito sa kaniya.

Dagdag pa ng Queen of All Media, hindi daw siya nagtataka na proud mom ang kaniyang ina sa mga narating ng aktres sa buhay.

“I don’t doubt you’re proud of all i achieved- but i hope from heaven you’re seeing pinipilit & pinagsisikapan kong maging “good mom” -because i had the BEST role model in YOU,” ayon kay Kris.

Sa nakaraang report ng KAMI, tuloy-tuloy ang biyaya na dumadating kay Kris kabilang na ang napabalitang pag-ganap nito bilang prinsesa sa Hollywood film na Crazy Rich Asians.

Bukod sa pagiging aktres, kilala si Kris bilang isang Filipino talk show host at producer. Tumabo sa takilya ang kaniyang mga pinagbidahang pelikula katulad ng Feng Shui at My Big Bossing.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel