Masaya ang pambansang bae Alden Richards sa pagpili sa kanya ni Kris Aquino over Joshua Garcia

Masaya ang pambansang bae Alden Richards sa pagpili sa kanya ni Kris Aquino over Joshua Garcia

- Nasorpresa umano ang Pambansang bae at ngayon ay kilala bilang si Victor Magtanggol nang malaman niya ang pahayag ng Queen of All Media

- Sa presscon ng 'I Love You, Hater' sinabi ni Kris Aquino ang pangalan ni Alden Richards bilang potential boyfriend kung sakaling magkaedad sila ngayon umano

- Masaya naman ang aktor, singer, at TV host tungkol sa pagbanggit ni Crazy Rich Asians star sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng PEP, tinanong umano nila ang Pambansang bae at Dabarkad ng Eat Bulaga na si Alden Richards tungkol sa pahayang ng 47-year-old TV host-actress-endorser na si Kris Aquino sa presscon ng pelikulang 'I Love You, Hater' kamakailan lang.

Nasorpresa raw ang 26-year-old actor na lead star ng Kapuso primetime series na Victor Magtanggol.

Sa kwento na nakuha ng KAMI sa naturang media outlet ay inamin umano ni Alden Richards na napanood niya ang maiksing video kung saan nabahagi at nabanggit ni Kris Aquino ang pagpili sa kanya over Joshua Garcia.

Ani ni Alden na nakangiting sumagot sa tanong:

“Masaya po ako siyempre. Being mentioned by Kris Aquino is a big honor."

Dagdag pa ng aktor:

“Nagugulat po ako sa nababasa ko kasi hindi naman po kami masyado nagkakausap ni Ms. Kris Aquino, and yet she has nothing but good words for me."

Pagtatapos ni Alden:

“Nakakataba lang ng puso. Nakaka-humble.”

Ang nasabing pahayag ni Kris ay sa question and answer portion sa press conference ng pelikulang 'I Love You, Hater,' kung saan naitanong siya kung posible ba daw siyang ma-in love sa ka co-star niyang batang aktor na si Joshua Garcia kung nagkataon na pareho lang sila ng edad.

Kahit hindi naman daw nabanggit ang Kapuso aktor sa tanong ay sinagot ni Kris ay si Alden Richards.

Pinili ng Queen of All Media si Alden Richards over Joshua Garcia kadahilanan na ang kay Julia ay kay Julia daw dapat.

Si Alden naman daw ay single pla.

Unang binalita namin dito na prangka na sinagot ni Kris Aquino ang naturang tanong at pinili niya si Alden over sa co-star na si Joshua Garcia.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel