Bakbakan sa nightclub! Tristan Thompson sinuntok umano si Draymond Green

Bakbakan sa nightclub! Tristan Thompson sinuntok umano si Draymond Green

- Headline ng balita ngayon sa international scenes ang away ng mga NBA players na sina Tristan Thompson at Draymond Green

- Ang nasabing bakbakan ay diumano'y nangyari sa isang nightclub, na kinasasangkutan ng baby daddy at beau ni Khloe Kardashian

- Nagsuntukan umano ang power forward ng Golden State Warriors at ang center/power forward ng Cleveland Cavaliers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa balita na nasagap namin mula sa Rappler, ang boyfriend at baby daddy ni Khloe Kardashian na si Tristan Thompson ay nagpang-abot, nagkainitan, at nagkasuntukan umano sa Warriors player na si Draymond Green, ayon sa balita.

Ito nga rin ang headline sa mga international media outlets dahil ang dalawang NBA stars lang naman ay sikat at kilala sa mundo ng sports.

Naganap daw ang nasabing suntukan sa isang private party pagkatapos ng ESPY Awards noong July 18.

Nalaman ng KAMI na may alitan na pala umano ang dalawa at mukhang hindi pa nga tapos ito.

Ang suntukan ay nangyari umano sa isang nightclub sa Los Angeles, isang buwan pagkatapos ng panalo ng koponan ni Draymond Green na Golden State Warriors sa isang pang championship ng team ni Tristan Thompson na Cleveland Cavaliers sa final series kung saan sila nagkaroon ng away on-court.

Ang balita umano ay galing sa international media outlets gaya ng Bossip, The Big Lead, at iba pang US sports media outlets.

Ayon pa daw kay Fox Sports' Jason McIntyre, gusto daw makipagbati si Draymond Green kay Tristan Thompson pero diumano'y sinuntok ang 2017 Defensive Player of the Year bago pa man pinaghiwalay sila nina LeBron James at Kevin Durant.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel