13 na mga sikat na artistang sumali sa mga contest ng Eat Bulaga

13 na mga sikat na artistang sumali sa mga contest ng Eat Bulaga

Bago pa man sila sumikat, minsan silang naging bahagi ng longest running noontime show 'Eat Bulaga'.

Nalaman ng KAMI na ang ilan sa kanila, bagaman at si pinalad na manalo ay sinuwerte naman kalaunan sa showbiz, sa larangan man ng pag-arte o pagkanta.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1. Michael V.

Sumali sa isang singing contest noon si Michael V sa Eat Bulaga. Nakaabot siya sa Grand Finals ngunit di siya pinalad na manalo. Si Ogie Alcasid na isa sa mga hurado noon ang di umano'y nagbigay kay Bitoy ng pinakamababang iskor sa kompetisyon.

2. Catriona Gray

Gaya ng naunang naisulat ng KAMI, ang pambato ng bansa sa Miss Universe ngayong taon na si Catriona ay sumali rin sa Little Miss Philippines 1999. Talaga namang bata pa lang beauty queen na talaga siya.

3. Arnold Clavio

Minsan nang naikwento ng batikang news anchor na si Arnold Clavio na sumali siya at ang kanyang mga kabanda sa segment ng Eat Bulaga na Flashback noong 1992.

4. Alice Dixson

Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal ang pagdiriwang ni Alica Dixson ng kanyang ika-49 na kaarawan. Una pala siyang sumali sa beauty contest ng Eat Bulaga na 'Reyna ng Santacruzan' taong 1986. Mula sa paligsahan na ito, nadiskubre rin siya para sumali ng Binibining Pilipinas.

5. Cammille Prats

Bago pa man sumikat bilang si 'Sara ang munting Prinsesa', si Cammille naging bahagi pala siya ng Little Miss Philippines taong 1990.

6. Angelica Panganiban

maging si Angelica na kasama rin ni Cammillie sa pelikulang 'Sara ang munting prinsesa' at sumali rin Little Miss Philippines.

7. Donna Cruz

Umabot pa ng grand Finals noon sa Little Miss Philippines si Donna na ngayon ay masayang namumuhay kasama ang kanyang pamilya sa Cebu.

8. Rachelle Ann Go

Sa dami ng sinalihan ng International broadway star na si Rachelle Ann Go, isa ang 'Birit Baby' ng Eat Bulaga sa kanyang mga singing journey. "All By Myself" daw ni Celine Dion ang kinanta ni Rachelle Anne noon.

9. Julie Anne San Jose

1997 nang sumali si Julie Anne sa Little Miss Philippines. Ngayon, kapuso aktres na si Julie Anne at isa nang multi-platinum singer.

10. Jessa Zaragoza

Maging ang misis ni Dingdong Avanzado na si Jessa Zaragoza ay naging bahagi rin ng Little Miss Philippines noong 1987. Katunayan, ka-batch pa niya si Aiza o mas kilala na ngayon bilang Ice Seguerra.

11. Rosanna Roces

Sumali sa 'She's got the look' si Rosanna Roces noong 1991 kung saan din siya nadiskubre para mag-artista.

12. Jericho Rosales

Alam na alam na ng karamihan na si Jericho ay produkto ng Mr. Pogi noong 1996. Ito na rin ang naging daan para tuluyan na niyang pasukin ang showbiz.

13. Kim Domingo

Lingid sa kaalaman ng karamihan, 4th runner-up ng Little Miss Philippines si Kim Domingo ng taong 2000

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law

Pres. Duterte approves ‘1,000 Days’ law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel