Lalake, nagwala sa Marikina branch ng BDO at itinuro ang kasama na holdaper daw ito

Lalake, nagwala sa Marikina branch ng BDO at itinuro ang kasama na holdaper daw ito

- May nakakatakot na insidente sa BDO Marikina

- Dalawang lalake ang pumasok sa branch at ang isa sa kanila ay itinuro ang kasama na holdaper daw ito

- Madali naman tumakbo at tumakas ang lalakeng itinuro niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May isang nakakatakot na kaganapan sa Banco De Oro branch sa Marikina.

Nalaman ng KAMI na may dalawang lalakeng pumasok sa BDO at ang isa sa kanila ay itinuro ang kasama na holdaper daw ito.

Madali naman tumakbo at tumakas ang lalakeng itinuro niya. Ang lalakeng sumigaw ay binihag daw ng grupo ng ilang araw at inutusang mag withdraw ng halaga sa branch. Pero nang makarating sila sa banko, nagdesisyon daw ang biktima na hindi sundin ang iniuutos sa kaniya ng bumihag sa kaniya.

Narito ang kwento ng netizen na nag upload ng video ng pangyayari:

“This has happened earlier at BDO Nangka Marikina Branch around past 10 in the morning.

“All of a sudden the guy was shouting and saying ‘HOLDAPER YAN, HOLDAPER YAN!’ The guy he was pointing at Hurriedly tried to get out of the Bank, at first the guard tried to put him on-hold by holding his arms but they let him go din. I was there and witnessed the whole scene.

“Medyo magulo lang ang video but according sa story ng guy holdap/kidnap daw ang nangyari sinamahan siya ng kidnapper to withdraw money kaya he took the chance sa bank na lang manghingi ng tulong.

“He said also na ang gamit ng mga holdupper is yung car niya na Montero Sport with plate number BOP 065 or VOP 065 hindi ko lang sure talaga isang letter lang ang hindi malinaw.

“Andoon lahat ng mga kasama ng holdaper sa car loaded with guns. He was put on hold daw 3 days na ng mga holduppers he was showing his arms and face may mga sugat kasi nakagapos na siya ng ilang araw.

“Andito po ang video kayo na po ang humusga kung dapat ba or hindi dapat ihold yung sinasabing holdupper, Pero pag sigaw talaga ng holdupper nung (victim) talagang nataranta yung isa para makalabas ng bank at paglabas daw tumakbo pasakay sa montero. Mabilis din po ang pagresponde ng mga kapulisan pagtawag ng banko kanina kaya lang nakaalis ang montero. Pakiupdate na lng po ang lahat kung may mga details kayo na makuha. Ingat po tayong lahat,” the netizen narrated.

Narito ang video ng insidente sa Facebook page na The Philippine News:

Hopefully, the police will be able to apprehend the suspects and find out the truth about what happened.

GF number: What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel