Galanteng BF! Barbie Forteza, binigyan ng bonggang birthday surprise ng nobyong si Jak Roberto

Galanteng BF! Barbie Forteza, binigyan ng bonggang birthday surprise ng nobyong si Jak Roberto

- Hindi inaasahan ni Barbie Forteza ang pagbisita ng boyfriend nitong si Jak Roberto upang magbigay ng isang bonggang birthday surprise

- Naghandog si Jak ng isang cake, malaking teddy bear, at mga balloons para sa kaarawan ng aktres

- Hindi naman naitago ng dalawa ang saya at kilig nang pareho itong mag post sa kanilang social media accounts

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naitago ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kaniyang pagka-bigla nang sorpresahin siya ng real-life boyfriend na si Jak Roberto sa ika-21 nitong kaarawan noong July 31.

Sa video na pinost ng aktres sa kaniyang Instagram account, hindi inaasahan ni Barbie na may espesyal at bonggang mangyayari sa kaniyang kaarawan habang nagpapahinga ito.

Bigla na lamang pumasok ang kaniyang kasintahan na si Jak dala ang isang cake, malaking teddy bear, at mga balloons.

Maririnig din sa video si Jak at ang mga kasama nito na kinakantahan ang Kapuso celebrity ng “Happy Birthday.”

Nalaman ng KAMI na nagpahayag ng kaniyang saloobin ang aktres ukol sa naganap na sorpresa sa pamamagitan ng isang post.

Pinasalamatan ni Barbie si Jak at pabiro pang sinuyo ang binata.

“Eeehhh!!! Thank you sa pa-surprise! Sweet ka?! Happy birthday to me!” ayon sa Inday Will Always Love You star.

Narito ang video na pinost ng aktres:

Hindi din naitago ni Jak ang kaniyang kagalakan nang mag post ito sa kaniyang Instagram account ng parehong video.

“Lakas maka-first date!” sabi ng aktor.

Sa nakaraang report ng KAMI, netizens naman ang bumira ng batikos kay Barbie nang hindi nila magustuhan ang suot nito sa contract signing sa GMA 7.

Si Barbie ay isang Filipina commercial model at actress na kilala bilang star sa mga palabas katulad ng Meant To Be, That’s My Amboy, at Inday Will Always Love You.

Noong 2017, tinanghal si Barbie bilang Best Supporting Actress ng 40th Gawad Urian Awards para sa pelikulang Tuos.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita

Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita

Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel