Kuya Wil, pag-aaralin ang kapatid ng namayapang tagahanga

Kuya Wil, pag-aaralin ang kapatid ng namayapang tagahanga

- Isang episode na naman ng Wowowin ang nagviral kamakailan dahil sa isang tagahanga ni Kuya Wil na inatake sa puso dahil sa excitement na makita ang iniidolo

- Kapatid ng namayapang tagahanga ni Willie Revillame ang nasobrahan sa tuwa nang malaman na pupunta siya sa studio

- Dahil sa likas na pagkamatulungin ni Kuya Wil ay binuhusan ng TV host ang nakakabatang kapatid na pumalit sa kanyang Kuya bilang studio audience

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinawag ang pansin ni Willie Revillame sa istorya ng isang studio audience niya na pumanaw ang Kuya ilang oras pa lang sa pagbisita nito sa studio ng Wowowin.

Napag-alaman ng KAMI na sa sobrang saya ng tagahanga ni Willie na si Edward na makakapunta sa studio ng Wowowin biglang inatake ito sa puso.

Dahil din dito, ay binigyan ng maraming regalo ang batang kapatid ng tagahanga ni Kuya Wil.

Bukod sa 20,000 pesos at iba pang mga bagay na ibinigay ni Willie Revillame ay binigyan pa ito ng mas malaking regalo ang bata.

Sinabi ni Kuya Wil na pag-papaaralin niya ang batang kapatid ng tagahanga niya, at dagdag nito ay buwan buwan daw ay bibigyan din ito ng allowance niya.

Kaya naman maraming mga tagahanga ang bumilib lalo at napaluha sa kabaitan ng TV host.

Bumuhos ang komento sa kabaitan ni Willie, at narito ang ilan sa kanila:

"Woowww ha bait nmn ni kuya wel,. pag aq din yumaman tutuluraan ko rin si kuya well na tumulong sa kapwa pra madaming blessing na darating"
"Ilove u kua wil pagpalain ka ni lord"
"Galanti tlaga c willy,matulungin tlaga sya"
"nakakaiyak. condolence sa naulila. mag aral kang mabuti . ang bait mo kuya willie. god bless po"
"Kuya will super idol kità tàlàgà gustong gusto ko panorin ung show mo.."

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel