Walang kaarte arte! Andi Eigenmann, madalas nagbu-bus lang mula sa Baler papuntang Manila

Walang kaarte arte! Andi Eigenmann, madalas nagbu-bus lang mula sa Baler papuntang Manila

- Napagpasyahan ni Andi EIgenmann na iwan ang makinang na karera sa showbiz

- Mas pinili niyang mamuhay ng simple kagaya ng isang pangkaraniwang mamamayan

- Mula sa kanyang tirahan sa Baler, mas pinipili ni Andi na sumakay ng bus papuntang Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mula sa prominenteng pamilya sa showbiz, Mas pinili ni Andi Eigenmann ang iwan ang kanyang showbiz career upang mamuhay ng simple.

Kasalukuyang nakatira siya sa Baler, Aurora kung saan malayo sa magulo at komplikadong buhay sa siyudad. Nagagawa din niya ang mga bagay na gusto niya kagaya ng pag susurf.

"Hindi po ako masaya dahil po I felt it’s about time to go and explore and find myself, and I found myself in the island. And I realized that this is where I want to be," saad niya sa isang panayam sa PEP.

Kahit hindi naman tuluyang tinalikuran ang showbiz, mas masaya siya sa kasalukuyan niyang buhay at minabuti niyang ibenta ang mga bagay na sa tingin niya ay hindi ganun ka importante at maituturing na luho.

"Lahat ng nakikita ko parang I sold every thing. Hindi naman every thing. Example, I kept like nice shoes and just kept like a few pairs, just in case I would need them.

"But then the 60 pairs of shoes is like I don’t wear them. I don’t need to wear heels in the province."

Ayon pa sa kanya, nahirapan siyang i let go ang kanyang van.

"I was like, I need to sell my car, I don’t need it anymore. It's big pa, it’s a van coz it’s traffic in Manila."

Kinailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil sa kanyang pagpromote ng pelikula at doon niya natutunan ang pag commute.

"I ride with people. And then eventually, I learned how to take the bus."

Nang maitanong naman kung hindi ba daw siya nakikilala ng mga tao, narito ang kanyang tugon.

"Some people were like, ‘Artista iyan or something.’ Or like, most of the time, for example, I will ride the taxi and then the driver, di na niya iniisip na I’m Andi.

Minsan daw ay napagkakamalan siyang foreigner.

"Iniisip niya kamukha ko lang. And then sometimes when they think I’m a foreigner, I respond in English na lang para they’ll just think I’m a foreigner."

Si Andi Eigenmann ay anak ni Jaclyn Jose. Napagpasiyahan niyang mamuhay ng simple nang iwan niya ang showbiz noong 2017. Gayun paman, gumawa siya ng pelikula kamakailan at ayon sa aktres, kailangan niya pa rin kumita para sa kanyang anak na si Ellie ngunit ayaw niya lang mabulag ng kasikatan.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok

Dahil sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok

Dahil sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel