Pagbangon ni Willie Revillame mula sa kahirapan at pag-abot ng tagumpay

Pagbangon ni Willie Revillame mula sa kahirapan at pag-abot ng tagumpay

- Hindi kaila ng lahat ang hirap na pinagdaanan ni Kuya Wil bago pa man siya maging isang masakit variety game TV show host

- Naging open naman si Willie Revillame tungkol dito, sa katunayan ay binabanggit niya ito sa kanyang mga interviews at show

- Ating silipin ngayon,

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kwento ng Inday Trending, muling binalikan nito ang kwento ng buhay ni Kuya Wil, kung paano napag tagumpayan ng TV host ang kahirapan at naabot ang kanyang minimithing tagumpay.

Ayon pa sa impormasyon na nakuha ng KAMI, ilang ulit muna siya naging sidekick at marami pang pagsubok baog naabot ang rurok ng tagumpay.

Naging kilala si Willie sa mga tao sa kanyang mga katagang “bigyan ng jacket yan!”

Sikat si Kuya Wil lalo na sa mga lola dahil klarong klaro naman ang pagmamahal nito sa mga matatanda.

Naging isang idolo at crush siya ng mga nanay rin, at kahit anong network pa man mapunta si Willie, ABS-CBN, TV5, o GMA-7 ngayon ay sumasama sa kanya ang mga manonood at nadadadagdagana pa.

Ayon pa sa nasabing artikulo, at sa website page ni Willie, siya ay ipinanganak sa Nueva Ecija bilang si Wilfredo Buendia Revillame.

Naging isang professional drummer siya at ang kanyang mentor ay ang babaero singer na si Randy Santiago,at ginawa si Willie bilang sidekick niya sa dating noontime show ng GMA ang Lunch Date.

Pagkatapos ng tatlong buwan umano ay pinapirma siya sa Regal Films para mag-star sa isang movie starring Joey Marquez sa Bobocop.

Simula noon, naging sidekick si Kuya Wil ng ibang mga sikat noong panahon na iyon katulad ninan Philip Salvador, Rudy Fernandez, Edu Manzano, Cesar Montano, Aga Muhlach, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Nag-umpisa maging bagong co-host ng Sang Linggo nAPO Sila ng ABS-CBN noong 1998, at sinamahan ang dating kasamahan sa Lunch Date na si Randy Santiago at John Estrada sa Magandang Tanghali Bayan.

Sumikat at naging kilala, at maraming kontrobersya at pagsubok din ang nadaanan ni Willie.

Napunta sa iba't ibang istasyon hanggang mabigyan uli ng malaking break ng ABS-CBN, at ito nga ang Wowowee noong 2005.

Dito hustong sumikat si Willie at nagkaroon ng malaking fan-based dito at sa abroad, at kahit nalipat and show niya sa TV5, at ngayon naman sa GMA at naging Wowowin, sikat na sikat pa rin si Willie.

Siya lang naman ang isa sa pinakamayaman na personalidad sa bansa.

Kamakailan nga ay nabalita namin siya na isa sa mga limang sikat na galing sa hirap na yumaman sa showbiz.

POPULAR: Read more news about Willie Revillame here

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin