10 patay sa pagsabog ng isang van sa Basilan; Abu Sayyaf, kumpirmadong utak sa insidente

10 patay sa pagsabog ng isang van sa Basilan; Abu Sayyaf, kumpirmadong utak sa insidente

- Sumabog kaninang umaga ang isang puting van sa Lamitan City, Basilan

- Sampu ang patay samantalang lima naman ang naging sugatan sa insidente

- Kinumpirma ng AFP na Abu Sayyaf ang may kagagawan sa pagsabog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sampu ang patay kabilang na ang isang bata at isang ginang sa pagsabog ng 10-seater van sa Lamitan City, Basilan, Martes ng umaga.

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang grupong Abu Sayyaf ang responsible sa naganap na pagsabog.

Nalaman ng KAMI na kabilang sa mga namatay ang isang sundalo, limang militia men, at apat na civilian. Sugatan din ang lima pa nilang kasama.

Ayon sa report, madaling araw nitong martes nang maatasan ang mga sundalo na mag inspect sa isang nakaparadang van malapit sa Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) detachment.

10 patay sa pagsabog ng isang van sa Basilan; Abu Sayyaf, kompirmadong utak sa insidente

Screenshot ng video na kuha ng Ronda del basilan.

Nakatanggap diumano sila ng tip na mayroong improvised explosive device sa loob ng sasakyan.

Nang malapitan na ng mga sundalo ang van, nalaman nilang foreigner ang driver kaya hindi nito maintindihan ang mga tanong ng rumispondeng sundalo.

Bigla na lang diumanong sumabog ang sasakyan at hindi na nila nagawang mahanap ang bomba at ma-diffuse ito.

“We suspect that the primary target is the military camp,” sabi ni Lieutenant Colonel Mon Almodovar.

Samantala, sa press briefing na naganap sa Camp Aguinaldo ilang oras matapos ang pagsabog, positibong pinangalanan ni AFP Spokesperson Edgard Arevalo si Abu Sayaff commander Furuji Indama bilang may kagagawan ng insidente.

Ayon kay Arevalo, matagal na nilang kinakausap si Indama at hinihimok na sumuko na ito ngunit sadyang “hardline member” daw ng Abu Sayyaf ang nasabing commander.

Narito ang video ng pag ronda ng mga sundalo sa lugar kung saan nangyari ang pagsabog:

Nauna nang nakatanggap ng intelligence reports ang AFP na dadaan ang van sa Lamitan City at magde-deploy ng bomba sa Basilan province.

“These terrorists will not succeed given the strong collaboration between the military and the local government that draws strength from the active participation of Governor Mujiv Hataman and other municipal mayors not only in Basilan but in the entire Western MIndanao,” tugon ni AFP Chief General Carlito Galvez Jr.

Kinondena na ng Malacañang ang nasabing pag-atake at nangakong bibigyan ng hustisya ang mga nasawi.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel