Super like! LeBron James nagbukas ng eskwelahan para sa mga "at-risk kids"

Super like! LeBron James nagbukas ng eskwelahan para sa mga "at-risk kids"

- Siguro, may naiinis sa kanya bilang NBA player pero sa pagiging matulungin at pagkawang gawa ay pati ang mga haters niya ay talagang hahanga sa kanya

- Usap-usapan ngayon ang pagbubukas ni LeBron James ng eskwelahan para sa mga underprivileged children sa kanyang hometown

- Nakakabilib at nakakahanga na malaman na ang basketball superstar ay may tinatagong pagmamahal para sa mga kabataan na kailangan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang duda kung ano ang magagawa ni LeBron James sa isang basketball sa kanyang kamay kaya naman isa lang naman siya na tinuturing legends sa NBA.

Sa balita na nakuha naman sa iba't ibang sport news kagaya ng SBNation at Fox napag-alaman namin na na nagbukas na pala anag eskwelahan na pinatayo ng NBA superstars na si LeBron James para sa mga kabataan na nangangailangan ng tulong.

Unang naispatan namin ang napakagandang kwentong ito sa Facebook page ng PBA and NBA World.

Nalaman ng KAMI na higit pa sa kanyang mga accolades o achievements sa NBA, ang pinakamahalaga sa kanya ngayon ay ang 'I Promise School' na pinatayo niya sa lungsod kung saan siya pinanganak ang Akron sa Ohio.

Para sa basketbolista, ito ang pinakamahalagang moment sa kanyang career.

Noong Lunes, July 30, 2018, ay ang unang araw ng nasabing eskwelahan para sa "240 at-risk students" na aattend sa inaugural year ng 'I Promise School.'

At lahat ng ito ay dahil kay LeBron James.

Ayon pa sa balita, ito raw ay ang extension ng 'LeBron James Family Foundation' para makapagbigay ng mga oportunidad upang umunlad sa kabila ng mga mahirap na sitwasyon sa buhay.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel