Born to be a queen! Catriona Gray, namangha sa Little Miss PH 1999 photo niya na nahalukay ng fans

Born to be a queen! Catriona Gray, namangha sa Little Miss PH 1999 photo niya na nahalukay ng fans

- Mismong si Catriona Gray ay labis na nagulat sa larawan niya noong sumali siya sa Little Miss Philippines noong 1999

- Isang fan ang nagbahagi ng kanyang mala-Disney Princess na larawan sa page nilang "catrionauniverse"

- Talaga raw bata pa lang si Catriona ay pagiging beauty queen na ang tinatahak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na namangha si Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa kanyang mga fans kung saannagbahagi ang mga ito ng larawan ng beauty queen noong siya ay sumali sa Little Miss Philippines 1999.

Nalaman ng KAMI na maging si Catriona ay di pa nakikita ang larawan na binahagi ng fans kaya naman laking gulat niya at napatanong kung saan nila nahagilap ang larawan.

“How did you guys find this? I’ve never seen this picture before!”

“You guys are P.I. (Private Investigator) detective levels,” ani Catriona.

Maging ang ibang mga fans ni Catriona ay natuwa sa paglabas ng cute na cute na larawan ng kanilang Miss Universe bet.

Narito ang kanilang mga komento:

"Born to be a queen talaga!"

"Oh may ghaddd! Sobrang tangkad na niya!!"

"ayyy oo nga bagets plng alam na!"

"like a beautiful swan! so lovely disney princess cat"

"wow sobrang cute ang haba na pala niya back then <3 @catriona_gray talagang MU in the making since maliit"

"Bata palang gorjas na hahaha"

Si Catriona ang kakatawan sa bansa sa Miss Universe 2018 na bali-balitang gaganapin sa Thailand.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel