Sana matulungan! Lola, may nakakaantig na kuwento na kumurot sa puso ng isang concerned citizen

Sana matulungan! Lola, may nakakaantig na kuwento na kumurot sa puso ng isang concerned citizen

- Nag post ang isang concerned citizen sa social media tungkol sa nadaanan niyang matanda

- Idinetalye ng post na ang matanda ay nagtutulak ng kariton na may lamang mga bote

- Nais umano ng nag-post na matulungan ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi mapigilan ng isang concerned citizen na manawagan sa Facebook upang matulungan ang isang lola na nakita niyang nangangalakal sa Quirino Avenue.

Nalaman ng KAMI na ang matandang nakita ng netizen ay nagngangalang Delfia.

Ayon sa post ng isang Maverick Manny, nadaanan niya si lola Delfia habang nagtutulak ng kariton na may lamang plastic bottles.

Hindi inakala ng concerned citizen na makakayanan ni lola Delfia na magtulak ng mabigat na kariton gayong matanda na ito.

“Halos nakayuko na siya, mabagal at unti-unti ang kanyang mga hakbang. Kahit hirap na hirap, sige pa rin siya sa pagtulak habang patawid kami sa kalsada,” ayon sa post.

Bagama’t nagdalawang-isip kung si lola Delfia ang klase ng tao na ayaw pakialaman, nilapitan pa din ito ng concerned citizen.

"Lola, bakit po ba kayo nangangalakal pa sa ganyan niyong edad?" Wala po ba kayong anak or apo na sumusuporta sa inyo?" tanong nito sa matanda.

Ayon kay lola Delfia, wala daw siyang mga anak ngunit may mga apo at tumutulong siya upang makabili ng pagkain nila sa araw-araw.

"Yung kinikita ko sa pagbebenta ng mga plastic na ito ay tinutulong ko sa pangkain namin.." nakangiting tugon ni lola.

Hindi naman naiwasan ng concerned citizen na matigilan at mapa-isip sa kuwento ni lola Delfia. Nag-alok na rin ito ng tulong sa kanya.

Ayon sa nag post, hindi daw niya narinig na nagreklamo ang matanda sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nito na bakas sa kaniyang mukha.

Hiniling ng concerned citizen sa iba pang may mabubuting puso na matulungan ang matanda.

“Sana lang, magviral ito at makarating sa mga taong handang tulungan si Lola Delfia para kahit papaano ay gumaan naman ang kalagayan niya,” panawagan ng nag post.

Sa naunang report ng KAMI, isang lola naman na 50 years old ang kinabiliban ng marami dahil sa angking ganda nito na inakala ng ilan na 20 years old pa lang.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel