Hindi palalampasin! Trillanes, desididong magsampa ng kasong pandarambong sa mga Tulfo

Hindi palalampasin! Trillanes, desididong magsampa ng kasong pandarambong sa mga Tulfo

- Ipinahayag ni Senator Antonio Trillanes na siya ang mag aasikaso ng pagsasampa ng kaso laban sa mga Tulfo

- Pinai-imbestigahan ng senador sa Senate Blue Ribbon Committee ang issue tungkol sa P60 million na ad placement

- Nauna nang iginiit ni Ben na hindi niya ibabalik ang pera kahit mamuti na ang mata ng mga nagsasabi nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na magsasampa siya ng kasong plunder kay dating tourism Secretary Wanda Teo at sa mga kapatid nitong si Ben at Erwin Tulfo kaugnay ng kontrobersyal na P60 million na kontrata sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at Bitag Media Inc.

Nalaman ng KAMI na nitong lunes, sinabi ni Trillanes na dapat umaksyon na ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon hinggil sa issue.

"I intend to file a plunder case against the Tulfo siblings in relation to the P60-million DOT ad controversy," pahayag ni Trillanes. “I also call on the Senate Blue Ribbon Committee to act on my resolution.”

Hinimok din ng senador ang komite na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman kung ilan pang kaban ng bayan ang diumano'y nakulimbat ng dating DOT secretary.

“…calling for an inquiry into the matter so we could determine the magnitude of corruption, specifically, how much more of the people’s money was squandered by the previous DOT leadership,” sabi ni Trillanes.

Matatandaang pumutok ang issue nang kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang paunang P60 million na bayad sa ad placement ng DOT sa programang Kilos Pronto ng magkakapatid na Tulfo sa People's Television Network (PTV).

Ilan sa mga nakita ng COA na paglabag ay ang hindi pagbibigay ng sapat na dokumento ng mga naganap na transaksyon at ang conflict of interest sa pagitan ng DOT at Bitag.

Sa nakaraang report ng KAMI, nauna nang ipinahayag ni Ben na hindi niya isasauli ang P60 million dahil dumaan diumano ito sa legal na proseso. Sinabi din niya na mamuti na ang mga mata ng mga nagsasabing ibabalik niya ang pera.

Inihahanda na ng kampo ni Trillanes ang kaso para isumite sa mga susunod na linggo. Samantala, tikom pa ang bibig ng magkakapatid na Tulfo kaugnay sa pahayag ng senador.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel