Batang sampaguita vendor, minabuting iuwi sa ina ang 'chicken joy' na bigay sa kanya

Batang sampaguita vendor, minabuting iuwi sa ina ang 'chicken joy' na bigay sa kanya

- Isang batang sampaguita vendor ang tinutulungan at pinapakain ng isang sikat na fast food chain

- Nakunan ng video at nakausap ng isang netizen ang batang babae na may dalang 'chicken joy' nang tanungin kung bakit di niya ito kinakain, laking gulat ng netizen nang malaman niya na ibibigay daw ito ng bata sa ina niyang di pa kumakain

-Nais nang netizen na matulungan ang bata kaya binahagi niya ang video ng kanilang usapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na naantig ang isang netizen sa nakausap niyang batang babaeng nagtitinda pala ng sampaguita.

Nalaman ng KAMI nanapansin ng netizen ang bata na pumasok sa isang fast food chain. Labis itong nagtaka dahil di pinaalis ng guard ang bata na dire-diretso na lamang itong umupo sa isang bakanteng upuan sa may sulok.

Napansin din ng netizen na naka-uniporme pa ang bata na palda at sapatos pang-eskwela. Marahil daw ay mula eskwela ay diretso na sa pagtitinda ng sampaguita ang bata.

Nilapitan ito ng isang babae na naka-backpack at tila nagpatanong ng presyo. Binigyan pala ng babae ng pambili ng kanin ang bata dahil napansin nito na may dala na itong fried chicken.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Nang umorder na ang bata ng kanina, tinanong pa ng manager kung talagang kanin lang ang order ng bata, ang ginawa ng manager binigyan niya ito ng itlog.

Nang nakaupo na ang bata, di na napigilan ng netizen na kausapin ito. Nalaman ng netizen na tinutulungan nga ng bata ang kanyang ina sa pagtitinda. Ang kinikita pa raw ng bata ang siyang pang-almusal at pambaon nila kinabukasan.

Kuwento pa ng bata, di raw sila nagpapaabot ng 10 ng gabi dahil sa curfew, kaya raw pagkakain niya ay kailangan na niyang umuwi.

Napansin ng netizen na di kinakain ng bata ang fried chicken niya sa plato. Ayon sa bata ibibigay na lamang daw niya ito sa kanyang nanay na di pa rin daw kumakain.

Sa bandang huli ng video, tinanong ng netizen kung magkano ang natitirang sampaguita na ibebenta pa ng bata.

Binahagi ng netizen ang video para raw matulungan ang bata ng may mga ginintuang puso o baka sakaling maparating din ito sa Jollibee Corp.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel