Mangingisda na taga Cebu nagpalutang-lutang sa dagat ng bente dos oras, milagrong nailigtas!

Mangingisda na taga Cebu nagpalutang-lutang sa dagat ng bente dos oras, milagrong nailigtas!

- Nagtrending ang istorya ng isang mangingisda na taga Cebu na diumano'y nagpalutang-lutang sa dagat ng bente dos oras na milagrong nailigtas

- Isang marino, ayon na din sa Facebook profile ng netizen, ang nag-upload ng mga kuhang larawan at videos ng mandaragat na nailigtas

- Sa isang post kinwento ng maiksi ni Xander Jay Cano ang nakakapanlumo na sinapit ng isang mangingisda sa malawak na karagatan ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Una naming naispatan ang kwento ng nasabing mangingisda sa TNP site dahil nga ay nagtrending na ang nasabing istorya ni Joel Lawan na 44 years old at mandaragat.

Sa impormasyon na nakuha ng KAMI, si Larawan ay mula umano sa Barangay Malbago, Madridejos sa Cebu City.

Ayon daw sa naturang mangingisda, mga alas onse ng umaga ng July 20, 2018, Biyernes nagsimula umano siyang nagpalutang-lutang sa karagatan.

Ito daw ay dahil nasira at nabutas ang bangka niya.

At sa pagpapatuloy ng pagsalaysay ng marinong netizen ay milagro daw nilang nakita si Joel Lawan at na rescue sa oras na alas nwebe y medya ng umaga sa July 21, 2018, Sabado.

Ang bangka niya ay malapit sa Bantayan island habang naglalayag ang kanilang barko mula sa San Fernando, Cebu City patungong Batangas City.

Dalawampu't dalawang oras o 22 hours na raw ang 44 years old na mangingisda na nagpalutang-lutang sa dagat kasama ang kanyang bangka.

Sa oras ng pagbahagi ng marino sa kanyang social media sa kwento ng mangingisda ay okay na naman daw ito, at naibalik naman daw nila ito sa pamilya.

Nais ng marino na ipaalam sa lahat na hindi talaga madali ang buhay ng isang mandaragat.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na

Simula na sa Nobyembre! ₱10 minimum na pamasahe sa jeep, aprubado na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel