Nanay, nilagyan na ng ID ang mga anak para di na muli mawala ang mga ito sa pampublikong lugar

Nanay, nilagyan na ng ID ang mga anak para di na muli mawala ang mga ito sa pampublikong lugar

- Binahagi ng isang ina ang karanasan niya nang muntik na siyang mawalang ng anak

- Aminado siya na kapabayaan niya ang dahilan ng kung bakit muntik nang mawala ang kanyang isang taong gulang na anak

- Minabuti na niyang lagyan ng ID ang mga anak niya lalo na kung sila ay pupunta sa pampublikong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakamasakit na pangyayari na mararanasan ngisang ina ay ang mawalan ng anak.

Lalo pa kung aminado ang isang magulang na dahil sa kanilang kapabayaan kaya napahamak o nawala ang kanilang mga anak.

Gaya na lamang ng karanasan ng isang ina na halos mabaliw baliw nang mawala ang kanilang anak na isang taong gulang lamang.

Laking pasalamat ng ina nang makita pa ng kanyang asawa ang anak na kasama ng isang buntis.

Kaya naman para di na muing maulit ang pangyayari, nilalagyan na niya ng ID ang mga anak sa tuwing sila ay lalabas.

Nanay, nilagyan na ng ID ang mga anak para di na muli ito mawala sa pampublikong lugar

source: supplied

Narito ang buong salaysay ng ina na binahagi sa KAMI upang magsilbing aral sa mga kapwa niya ina na huwag na huwag pababayaan o malilingatan ang mga anak.

Hi

E share ko lang ung karanasan ko kung ano ang pakiramdam na mawala ung anak mo at sa mga nanay na tulad ko ingatan natin ang ating mga anak ..

June 3 2018 linggo ng mawala ung bunso naming anak 1/half year na lalaki sa isang Mall dito sa Maynila...para akong mabaliw sa kakahanap sa knya sino2x nlang guard ang nilapitan ko at d ko tlga maiwasan na umiyak: sa harap nila pero wla na akong pakialam nung time na un ang sa akin lang makita ko ung anak ko mabuti yung guard sa binilhan namin nag kwento na may sinundan daw na bata..d na kami mpakali pati asawa ko kahit ano2x nlang pumapasok sa isip ...(bka mmya may nka dampot na ) pero kami d parin tumigil sa kakahanap sa dami ng tao ba nman..

Doon sya nhanap ng asawa ko sa papunta sa exit karga2x ng isang buntis cguro nabigatan ung buntis at nilapag daw nya anak namin umiiyak.nung nakita nya papa nya agad2x daw lumapit..

Nanay, nilagyan na ng ID ang mga anak para di na muli ito mawala sa pampublikong lugar

source: supplied

Ang sabi nung buntis umiiyak daw ung bta kya dinampot nya at irereport na daw nya sana sa guard ng Mall. mga 20minutes cguro bago namin xa nakita akalain sa 20m na yun ang dami kung naisip na posibling mangyari pero nanaig parin ung tiwala ko na makita namin xa.nung nakita ko na karga na xa sa papa nya d ko maintindihan nag halo ung saya at kaba sa puso ko

Nag pasalamat parin kami sa panginoon at d nya hinayaan na mawalan kami ng anak npakabait nya sa amin.

At sa buntis na nka dampot sa anak ko maraming salamat sayo sana pagpalain ka ng panginoon at maging normal ung panganganak mo.

Nanay, nilagyan na ng ID ang mga anak para di na muli ito mawala sa pampublikong lugar

source: supplied

Sa kasama namin na tumulong dn salamat alam nyo kung sino kau.

Maraming thankyou...Kaya mula nung mangyari un sa amin naisipan namin mag-asawa gumawa ng isang ID para sa kanilang dalawa nag lalaman nito ay name namin,,cp# namin at kung saan kami nkatira sinusoot nila tuwing aalis kami para pag sakiling maulit ung ganun (wag nman sana) may ma contact sila kahit sino sa amin.

Pero masmaganda parin na huwag bitawan at d mawala sa paningin ang mga bta kc npakahirap at ang sakit sa pakiramdam: mwala ung anak mo kahit minuto lang:sob::sob::sob: kya nung time na un naramdaman ko kung ano ang naramdaman sa mga magulang na nwalan ng isang anak.:sob::sob: bilang isang ina napakasakit sa damdamin..

KAYA TAYONG MGA MAGULANG INGATAN NATIN ANG ATING MGA ANAK...

WAG NATIN HAYAAN DAHIL SA ISANG PAGKAKAMALI MA WALA UNG ANAK NATIN.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel