Jericho Rosales, malungkot na sinagot ang issue ng agawan sa pagitan nila ni John Lloyd Cruz

Jericho Rosales, malungkot na sinagot ang issue ng agawan sa pagitan nila ni John Lloyd Cruz

- Sinagot ni Jericho Rosales ang mga paratang na inaagawan niya ng projects ang kaibigang si John Lloyd Cruz

- Sinabi ng aktor na hindi niya naman pinapansin ang mga dumadating na biyaya sa kanya

- Ipinahayag din niya ang kaniyang pananabik sa muling pagbabalik ni John Lloyd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinuna ng netizens ang kabi-kabilang proyekto na dumadating sa aktor na si Jericho Rosales ngayong nagpapahinga ang kaibigan nitong si John Lloyd Cruz.

Marami ang nagsasabi na inaagawan daw ni Jericho ng mga magagandang endorsements si John Lloyd sa ABS-CBN.

Nalaman ng KAMI na ipinagkibit-balikat lamang ito ng Pangako Sa’yo star at sinabing hindi niya pinapansin ang mga dumadating na biyaya sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph, inamin ng aktor na nalulungkot siya para kay John Lloyd.

“I’m sad for certain things, but I can’t speak for John Lloyd... I can only speak for myself,” pahayag ni Jericho.

Sa kabila nito, positibo naman daw siya na babalik si John Lloyd at inaabangan niya ang muling pamamayani nito sa takilya at telebisyon.

"John Lloyd is a great person, a great talent and I know na darating siya, babalik siya, and alam ko na maraming tao ang naghihintay sa kanya,” sabi pa ng aktor.

Sinabi din ni Jericho na maging siya ay walang ideya kung bakit siya ang pinipili para sa mga projects at endorsements ngayon.

“Pinili nila ako along with respectable gentlemen. Madaming pangalan, nandun yun sa Instagram ko. Mainly why they picked me is because of my choices sa career ko, I don't know,” tugon ng aktor.

Nang tanungin tungkol sa kaibigan na original Home Sweetie Home star, tahasang sinabi ni Jericho na hindi niya alam ang mga pangyayari sa buhay ng aktor.

Malinaw daw para sa kanya na nagpapahinga lamang ang kaibigan.

"What I know, it’s clear that our friend John Lloyd is taking a break, and when he comes back, I’m sure he's gonna pick the best project. It’s going to be easy for him to bounce back,” pahayag pa ni Jericho.

Isa sa mga nakabinbing proyekto ngayon para kay Jericho ang teleseryeng Halik kung saan siya ang gaganap na bida.

Napili din ang batikang aktor bilang 2018 Men Who Matter ng People Asia magazine.

Sa nakaraang report ng KAMI, ibinunyag ni Jericho na nakaranas siya ng depression kasabay ng pagkamatay ng kanyang ama noong nakaraang taon. Inisip din daw nito na talikuran na ang larangan ng showbiz.

Kilala si Jericho bilang isang aktor, singer, at songwriter. Pinagbidahan niya ang mga teleserye katulad ng Pangako Sayo, Sana’y Wala Nang Wakas, at Dahil May Isang Ikaw. Nagkakilala sila ni John Lloyd nang mapabilang ang dalawang aktor sa Star Magic.

POPULAR: Read more news about Jericho Rosales!

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel