Mukhang mamahalin! Sarah Lahbati, may bonggang suite pala sa Hongkong

Mukhang mamahalin! Sarah Lahbati, may bonggang suite pala sa Hongkong

- Isina-publiko na ni Sarah Lahbati ang kanilang bonggang suite sa Hongkong

- Kapansin-pansin ang suite dahil makikita dito ang view ng buong lungsod

- Humanga naman ang mga netizens sa ganda ng lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasilip ni Kapuso star Sarah Lahbati sa pamamagitan ng isang video ang kanilang magarang suite sa The Upper House HongKong na siya namang ikinamangha ng netizens.

Sa video, ipinakita ang pagkamangha ng anak ni Sarah at Richard Gutierrez na si Zion nang buksan at makita nito ang loob ng suite.

Pagkabukas ng pinto, tumambad agad ang sala na may mga salamin na bintana kung saan may magandang view ng lungsod.

Ipinakita rin ang master bedroom kung saan pwede silang humiga at magpahinga habang nakatingin sa glass window na tanaw ang naglalakihang mga gusali at iba pang kaganapan sa syudad.

Ipinasilip din ni Sarah sa publiko ang kanilang bathroom na may parehas na disenyo at view.

Nalaman ng KAMI na sa Instagram account ni Sarah, sinabi nitong masaya siya sa kaniyang pagbabalik sa suite.

“So happy to be back at the @upperhouse_hkg with @officialziongutz! We have the most stunning views of HK and soothing interiors by architect Andre Fu,” pahayag ng aktres.

Narito ang video ng aktres at ng anak nitong si Zion habang nag-iikot sa kwarto:

Hindi naman napigilan ng mga netizens na mamangha sa ganda ng lugar.

“Enjoy this quality time at the stunning property! And welcome to HK,” sabi ng isang netizen.

Sa nakaraang balita ng KAMI, ibinahagi ni Sarah at Richard na may Instagram account na din ang kanilang bunso na si baby Kai.

Isinilang noong October 9, 1993, si Sarah ay isang Filipino-Moroccan actress na sumikat matapos maging finalist sa 5th edition ng programang Starstruck. Lumabas na rin siya sa mga pelikula gaya ng The Achy Breaky Hearts at Darna.

POPULAR: Read more news about Sarah Lahbati!

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel